Ion Perez, may mensahe sa kanyang mga bashers

‘Kuya Escort’ Ion Perez, piniling tumahimik na lang sa tanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Vice Ganda.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/29/2019 3:57 PM
Ion Perez, may mensahe sa kanyang mga bashers


Photo Credit: @ionperezfanpage on IG

Aminado ang Kuya Escort ng It’s Showtime na si Ion Perez na nasasaktan siya sa mga batikos na ibinabato sa kanya ngayon.

Kasunod ito ng pagkakadikit ng kanyang pangalan kay Vice Ganda, na sinasabing malapit sa kanyang puso ngayon.

Ayon kay Ion, hindi niya inakala na magkakaroon ng impact ang kanyang pahayag nang tanungin ng tunay na estado ng kanilang relasyon ng Unkabogable Star.

“Hindi ko naman naisip na ganito pala kasakit ‘pag nakakatanggap ka ng masasakit na salita,” sabi ni Ion sa panayam.

Pero kahit ganun ay mas pinili pa din ni Ion na magpa-kumbaba sa kabila ng batikos.

"Ang masasabi ko lang naman, pasensya na kasi kung paano ako, ‘yung ugali ko bilang probinsyano, ganun talaga ako eh,” tugon pa ni Kuya Escort.

At dito, muling tinanong si Ion kung ano ba talaga ang relasyon nila ni Vice Ganda pero mas pinili niya na hindi na ito sagutin pa.

Sa huli, pasasalamat naman ang ipinaabot ni Kuya Escort sa ilang fans nila ni Vice Ganda, na ipinagtatanggol siya.

“Nagpapasalamat ako kasi talagang chi-ni-cheer-up talaga nila ako, sobra. At nagpapasalamat ako sa mga Vice-Ion fans.”