• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang bus service na nagpapalabas ng pirated copy ng ‘Hello, Love, Goodbye’, huli

Ilang bus service na nagpapalabas ng pirated copy ng ‘Hello, Love, Goodbye’, huli

Tatlong lokal na bus service ang posibleng maharap sa kaso matapos na mahuling nagpapalabas ng pirated copy ng pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’, ayon sa raid na isinagawa ng Optical Media Board nitong Miyerkules, Agosto 28.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2019 5:36 PM
Ilang bus service na nagpapalabas ng pirated copy ng ‘Hello, Love, Goodbye’, huli


Photo credit: @micodelrosario1/ @starcinema on Instagram

Tatlong lokal na bus service ang posibleng maharap sa kaso matapos na mahuling nagpapalabas ng pirated copy ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, ayon sa raid na isinagawa ng Optical Media Board nitong Miyerkules, Agosto 28.

Ilan sa mga ito ang Metro Manila Bus Co at Saulog Transit na maaaring makasuhan matapos na labagin ang Optical Media Act sa kanilang ilegal na pagpapalabas ng pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Samantala, timbog din ang SanTransCorp matapos nilang mahuling nagpapalabas ng pirated copy ng sikat na Hollywood movie na “Avengers: Endgame”.

Sa opisyal na statement ng anti-film piracy agency, nakatanggap umano sila ng tip na nagpapalabas ng pirated version ng Hello, Love, Goodbye ang Paranaque Integrated Terminal Exchange, kung kaya’t agad silang sumugod upang magsagawa ng inspeksyon.

Ayon pa sa OMB, maaaring maharap ang mga nasasangkot sa kasong pagkakakulong hanggang anim na taon at multa na aabot sa P1.5 million.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Star Cinema executive na si Mico del Rosario ang publiko na ang krimen ang pamimirata.

Matatandaang una nang kinundena ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang talamak na pamimirata ng ‘Hello, Love, Goodbye’ sa interview ng Push nito lamang linggo. Aniya, “Hindi na natin sila kayang pigilan.”

“Nakakalungkot mang isipin pero sana nare-realize nila na sila rin eventually ang papatay sa industriya if they don’t stop it,” dagdag pa niya.