• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Hindi madali, pero napaka-rewarding’: Jolina Magdangal, sa kaniyang breastfeeding journey

‘Hindi madali, pero napaka-rewarding’: Jolina Magdangal, sa kaniyang breastfeeding journey

Bukas daw ang direct messages ng Instagram account ni Jolina Magdangal para sa mga ina na nangangailangan ng tips at advices sa pagbe-breastfeed.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/29/2019 12:24 PM
‘Hindi madali, pero napaka-rewarding’: Jolina Magdangal, sa kaniyang breastfeeding journey


Photo Credit: @mariajolina_ig on IG

Muling sinamantala ng momshie host na si Jolina Magdangal ang pagsulong ng breastfeeding para sa mga ina, sa episode ng Magandang Buhay nitong Miyerkules, August 28. Hinihikayat ni Jolina ang mga ina na ipagpatuloy at pagpapadede sa kanilang mga anak, kahit na mahirap.

"Hindi madali, sinasabi ko sa inyong lahat. Pero napakasarap sa feeling bilang isang nanay at napaka rewarding lalo na kapag makita ninyong healthy ang anak ninyo," pahayag ni Jolina.

Dagdag ng aktres at host, maaaring magpatulong sa espesyalista ang mga ina kung sakaling hindi sapat ang gatas na mayroon sila.

"Para doon naman sa mga hindi masyadong nabiyayaan ng milk, wag din naman kayo mawalan ng pag-asa. Pwede kayong magpa consult. Mayroong mga lactation consultant, na tuturuan talaga kayo paano lumabas lahat 'yan (gatas)," ani ni Jolens.

Para sa iba pang katanungan, inihain naman ng momshie host ang kaniyang direct message sa Instagram account."Kaya doon sa mga namo-mroblema kung paano sila magpapa-breastfeed, ay nako, i-dm niyo lang ako, tutulungan ko kayo nang bonggang-bongga.”

READ:‘Oh yes kaibigan mo lang ako?’ Jolina Magdangal, na friendzoned daw noon kay Marvin Agustin?

EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is a proud advocate of breastfeeding

"[Maging] pasyensosa, positive, at tiyaga, at ang importante sa lahat, happy," huling payo ni Jolina.

Patuloy na mapapanood si Jolina Magdangal sa morning talk show na Magandang Buhay.