• Home
  • Fresh Scoops
  • Filipina-Canadian actress, bida sa bagong Disney animated film

Filipina-Canadian actress, bida sa bagong Disney animated film

Bida ang Filipino-Canadian actress na si Cassie Steele sa bagong animated Disney movie na Raya and the Last Dragon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/29/2019 12:55 PM
Filipina-Canadian actress, bida sa bagong Disney animated film


Photo Credit: @cassandrasteele on IG

Bida ang Filipino-Canadian actress na si Cassie Steele sa bagong Disney animated movie na Raya and the Last Dragon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Let’s go Blue Jays!!! [Swipe to see a pale belly 💀] Thanks for the pics @billkennedyphoto ❤️ #bluejays

A post shared by Cassie Steele (@cassandrasteele) on

Sa ginanap na D23 Expo nitong linggo, ipinakilala ang 29-year-old star bilang boses ng bidang si Raya sa epic fantasy adventure film na may temang SouthEast Asian.

Bukod kay Cassie, tampok din ang Crazy Rich Asians actress na si Awkwafina sa naturang pelikula.

“Sharing Raya was just amazing because I feel like she’s really a breakthrough character in terms of being female and being empowered, being a warrior and being badass, and it’s just such an honor to play her,” ani Cassie sa ABS-CBN News.

Narito ang premise ng Raya and the Last Dragon: “Sa isang lupain na tinatawag na Kumandra, na nahahati sa limang magkakaibang rehiyon, isang mandirigma na nagngangalang Raya ang naghahanap para sa huling dragon sa mundo.”

Si Adele Lim, na siyang sumulat ng film adaptation ng Crazy Rich Asians, ang writer ng nasabing animated film.

Nakatakdang ipalabas ang Raya and the Last Dragon sa Nobyembre 2020.