• Home
  • Fresh Scoops
  • Dennis Padilla to Gerald Anderson: ‘Sagutin mo naman yung text ko’

Dennis Padilla to Gerald Anderson: ‘Sagutin mo naman yung text ko’

Dennis Padilla, mayroong mensahe para kina Gerald Anderson at Joshua Garcia.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/29/2019 12:34 PM
Dennis Padilla to Gerald Anderson: ‘Sagutin mo naman yung text ko’


Sa Tonight with Boy Abunda, inulit ni comedian Dennis Padilla ang naging payo niya sa anak na si Julia Barretto sa gitna ng kinasangkutan nitong kontrobersiya kamakailan lang. “Yung huli naming usap ang sabi ko sa kanya hayaan mo na lang muna yan anak. Tutal pagod ka sa pagta-trabaho, bakit hindi ka muna magbakasyon. Wag ka na muna maging active sa social media. Wag ka na muna mag-react kung ano ang mga mababasa mo. Tapos wag ka na rin sumagot muna,” kwento ni Dennis.

READ: Dennis Padilla, nagsalita na sa isyung kinasasangkutan ng anak na si Julia Barretto

Inamin din ni Dennis, na bilang ama ni Julia, ay nagagalit siya sa mga bashers ng anak. “Siyempre pag bina-bash si Julia nagagalit ako e. May mga pagkakataon na yung mga namba-bash kay Julia gusto kong isa-isa puntahan sa bahay at gulpihin,” ani Dennis.

Hindi rin daw nagbibiro si Dennis sa kanyang sinabi. “Oo totoo yun,” aniya.  

“Minsan may mga taong hindi ako nauunawaaan. Ang basa nila, o sumasakay ka pa sa gulo ng anak mo. Anak ko yun, di ko kailangang sumakay,” giit ni Dennis.

May mensahe naman si Dennis para kay Gerald Anderson na isa sa mga artistang kasali sa controversy. “Parang naka-apat na text na ako dun, hindi sinasagot e. E dapat sagutin mo naman yung text ko,” ani Dennis.

May rebelasyon din si Dennis tungkol sa nauna ng pag-uusap nila ni Gerald. “Yung nilalaman ng pinag-usapan namin, hindi ko pwedeng ibahagi… Sabi ko lang ano anak ko yan e kaya … yun lang gusto ko malaman mo na pinapaalala ko na anak ko si Julia Barretto,” sabi ni Dennis.

READ: Gerald Anderson confirms he talked to Dennis Padilla

May message din si Dennis para kay Joshua Garcia na ex-boyfriend naman ni Julia. “Nakilala kita and pormal kang humarap sa akin, kaya ginagalang kita. Kung paano mo ako nirespeto, ganun din kita nirerespeto,” ayon sa comedian.

Malapit nang ipalabas ang reunion film ni Dennis Padilla kasama sina Janno Gibbs at Andrew E.  Ang title ng pelikula ay Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo. Ito rin ang huling pelikula ng veteran actor na si late Eddie Garcia.

WATCH: Eddie Garcia supposed to shoot one last scene for ‘Sanggano’ film before his untimely death