• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon on Elisse Joson dating Jameson Blake: ‘Ba't ka magagalit sa dalawang taong masaya?’

McCoy De Leon on Elisse Joson dating Jameson Blake: ‘Ba't ka magagalit sa dalawang taong masaya?’

McCoy De Leon says it is time for him to finally move on and be happy.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

8/28/2019 12:38 PM
McCoy De Leon on Elisse Joson dating Jameson Blake: ‘Ba't ka magagalit sa dalawang taong masaya?’


Photo credit: @elissejosonn IG,

After the break up of his love team with Elisse Joson last year, McCoy de Leon admits he has moved on especially when it comes to his career. McCoy plays one of the leads in the Pista ng Pelikulang Pilipino entry G! “Sobrang masaya ako ngayon. Kumbaga may trabaho ako. Dumadating nga sa point na na-mi-miss ko din yung dati, yung may love team. Dati lahat ng galaw mo nakikita ng mga fans. Ngayon medyo still lang, aminado naman ako na medyo ganun lang. Steady lang. Sabi ko sa sarili ko, 'Dati extra extra lang ako, bakit ako hahangad pa ng mas mataas?' Para sa akin, may mga project lang ako na mapanuod lang ng pamilya ko okay na ako. Hindi naman kailangan na maging sikat na sikat,” he shared during the G! Movie blogcon held last August 27 in Quezon City.

In his latest project, McCoy had to work closely with co-star Jameson Blake who recently admitted that he is now courting Elisse. But this did not become a problem between the two Hashtag members. “Walang probema sa akin. sabi ko nga kay Jameson nung kalagitnaan nung movie namin, 'Okay na ba kayo? Kumusta na kayo? Ligawan mo yung nanay. Ganun lang.' Kumbaga ayokong maging ano yung kaibigan ko, gusto ko masaya siya. Nadaanan ko yung naranasan ko and ayokong maranasan niya yung hindi magandang mangyayari. Actually gusto ko sabihin na itong movie na ito hindi nakasira, lalong nakabuo sa amin. Kumbaga lalong tumibay na okay kami. Kumbaga natapos yung palabas na mas lalong nadagdagan yung samahan namin, mas lalo kaming nakaalalay sa isa't isa. At masaya ako na nasa mabuting kamay,” he admitted.

McCoy admitted he had mixed feelings the first time he saw Elisse and Jameson together. “Ako siguro masaya at malungkot. Malungkot kasi siguro nasanay ako na kasama palagi ayun eh. Masaya kasi magiging masaya siya. At the same time, yung taong mapupunta sa kanya mabait at aalagaan siya at kilala ko. Ayun. Nakita ko na sila actually. Kasi yung mga fans alam niyo naman sobrang bilis. Una kong naramdaman yung lungkot nung time na yun, yung first time. Kasi nakita ko masaya yung tao. Kumbaga punong puno ng negative sa atin sa lahat, husgahan. Makita mo yung dalawa masaya sila. Ba't ka magagalit sa dalawang taong masaya? Mas lalo akong magiging masaya mas lalo pag nakasap ko sila, nandito lang din ako para sa kanilang dalawa,” he explained.

G! is part of the Pista ng Pelikulang Pilipino film festival which will run from September 13 to 19 in cinemas.