• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal at Inigo Pascual, sinagot kung magka-date sila sa 2019 ABS-CBN Ball

Maris Racal at Inigo Pascual, sinagot kung magka-date sila sa 2019 ABS-CBN Ball

Kamakailan ay humarap sa press ang dating love team na sina Maris Racal at Inigo Pascual sa media conference ng kanilang pelikulang 'I'm Ellenya L.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/28/2019 1:54 PM
Maris Racal at Inigo Pascual, sinagot kung magka-date sila sa 2019 ABS-CBN Ball


"Hindi pa namin napag-uusapan pa pero depende."

Ito ang sagot ni Maris Racal sa tanong kung magka-date nga ba sila ng dating love team partner na si Inigo Pascual sa inaabangang 2019 ABS-CBN Ball.

Kamakailan ay humarap sa press ang dalawa sa sidelines ng media conference ng kanilang pelikulang "I'm Ellenya L." bilang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong taon. 

"Abangan si Ellenya and si Peng sa Ball," sagot naman ni Inigo sa tanong kung dapat ba silang abangan na magkasama sa red carpet ng nasabing ball.

"Pag-iisipan ni Ellenya kung magkasama tayo," dagdag naman ni Maris.

Matatandaang dati nang dumalo bilang partners sina Maris at Inigo sa nagdaang 2018 ABS-CBN Ball at Star Magic Ball taong 2017. 

Sa ngayon ay inaabangan ng dalawa ang mas nalalapit na pagbubukas ng PPP na magsisimula sa Setyembre 13 hanggang 19.