• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano at Enrique Gil, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang bagong serye

Liza Soberano at Enrique Gil, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang bagong serye

Kapwa abala ngayon ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa kanilang bagong teleserye isang taon matapos silang huling mapanood sa telebisyon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/28/2019 4:01 PM
Liza Soberano at Enrique Gil, nagbigay ng detalye tungkol sa kanilang bagong serye


Photo credit: @Ogie Diaz Youtube Channel

Kapwa abala ngayon ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil para sa kanilang bagong teleserye isang taon matapos silang huling mapanood sa telebisyon.

Sa video na inilabas nitong Huwebes ng talent manager ng aktres na si Ogie Diaz, kinumpirma ng dalawa ang kanilang nalalapit na pagbabalik at sinabing "super [excited]" sila para sa nasabing proyekto.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My love bird 😊🐣🐣

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

 

"Huwag kayong mag-alala guys, malapit na kaming lumabas. Wait lang kayo diyan," ani Enrique.

"Sa mga fan na naghihintay diyan, alam ko you guys are very disappointed, you guys are sad, but don't be sad, we are here. We are happy, we are in love and we are thinking about you everyday. Kaya ito na lalabas na kami soon," dagdag pa niya.

Sa kaparehas na bidyo ay nagbigay din ng detalye ang dalawa ukol sa bagong teleseryeng gagawin nila sa ilalim ng Star Creatives.

Ayon kay Enrique, mas "spunky" o fierce ang magiging role ni Liza rito. Samantala, "mas sexy" naman kung i-describe ng kanyang girlfriend ang karakter niya sa naturang proyekto.

Bukod pa sa teleserye ay inaasahan ding gumawa ng panibagong pelikula ang magkasintahan. Huli silang napanood nitong taon sa blockbuster na Alone/Together.

Panoorin ang video rito: