Kira Balinger, inaming naging boyfriend ang isang Kapamilya

Kira Balinger, inamin kung saan nanggagaling ang mga hugot posts niya sa Twitter.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/28/2019 1:54 PM
Kira Balinger, inaming naging boyfriend ang isang Kapamilya


Photo credit: @kira_balinger IG

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin nina Pamilya Ko cast members Mutya Orquia at Kira Balinger kung sino ang mga nagpatibok ng mga young hearts nila. 

Nahihiyang inamin ni Mutya na naging crush niya sa Goin’ Bulilit si “Kuya Harvey Bautista.” May mensahe din si Mutya para kay Harvey. “Sana okay lang sa’yo po na naging crush po kita. At sana po wag mo na lang po panuorin ‘to,” ani Mutya. 

Ayon kay Mutya alam ni Harvey na naging crush niya ito. “I think alam po niya kasi panay po yung asar,” sabi ng young actress.

Read:EXCLUSIVE: Tates Gana says son Harvey Bautista will focus on his studies for now

Six years din naging part ng Goin’ Bulilit si Mutya at name-miss daw niya lahat ng nakasama niya dito. 

LOOK: LOOK: Mutya Orquia is all grown-up now
 
Inamin din ni Kira na nagkaroon na siya ng boyfriend. Noong una ayaw niyang sabihin kung isa itong artista pero sa huli ay nagbigay ng clues ang dalaga. Ani Kira, isang Kapamilya ang naging boyfriend niya at ang initial letter ng pangalan nito ay R. Kasama rin daw “noon” sa isang teleserye ang kanyang ex.

READ: Kira Balinger on Ryle Santiago: ‘He’s very special to me’

Binansagan ding Hugot Queen si Kira dahil sa mga hugot posts niya sa Twitter. Nang tanungin kung saan nanggagaling ang mga hugot na ito, sinabi ni Kira na dahil lang sa pag-emo niya ito. “Naisip ko lang po especially ‘pag umuulan. Nagiging emo lang ako. Tapos nakita ko pagbukas ko ng Facebook, ‘what’s on your mind?’ Sabi ko buti pa nga si Facebook tinatanong ako, may pakialam sa akin,” kwento ni Kira. 

Crush din daw ni Kira si Enrique Gil at si Mutya naman ay crush ang isang member ng South Korean boy band na BTS.