• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, may update tungkol sa upcoming projects na ‘Starla’ at ‘Mindanao’

Judy Ann Santos, may update tungkol sa upcoming projects na ‘Starla’ at ‘Mindanao’

Matapos ang espesyal na pagganap sa FPJ’s Ang Probinsyano, inaabangan naman ngayon si Judy Ann Santos sa kanyang upcoming serye at pelikula na Starla at Mindanao.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/28/2019 1:47 PM
Judy Ann Santos, may update tungkol sa upcoming projects na ‘Starla’ at ‘Mindanao’


Sa ulat ni Mario Dumaual mula sa TV Patrol, nagbigay ng update si Kapamilya star Judy Ann Santos tungkol sa pinakaaabangan niyang teleserye na Starla. Ayon kay Juday, sana daw ay ngayong taon na maipalabas at mapanuod ng mga Kapamilya ang naturang serye. “Hopefully this year. From what I’ve heard, baka mga September,” ani Juday. 

WATCH: ‘Tatawid ba?’: Judy Ann Santos admits feeling nervous for new serye

Kamakailan lang ay lumabas din ang teaser ng Mindanao, ang pinakaaabangan movie ni Juday sa direksyon ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza. Ayon sa ulat, tungkol ito sa kabayanihan at hinagpis ng isang ina sa gitna ng digmaan sa Mindanao.

Read:Judy Ann Santos and director Brillante Mendoza on the set of Mindanao the movie.

May good news rin si Juday pagdating sa Mindanao dahil inaayos diumano ni Direk Brillante ang pagkakasali nito sa Metro Manila Film Festival. “Alam ko pinapasok niya sa MMFF at may mga iba pang activities yung movie namin na Mindanao,” ayon kay Juday.  

Inaasahan ang pagsali ng Mindanao sa iba’t ibang international film festivals pero pinagdadasal daw nila Juday at ng mga bumubuo ng pelikula na makasali ito sa MMFF para  maibahagi nila sa Pilipinas at mga Filipino ang kanilang obra. 

Kamakailan lang sinubaybayan ng mga manunuod ang mahusay na paganap ni Juday sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Jane. Si Jane ay isang karakter na may multiple personality disorder.

Watch:Judy Ann Santos exits ‘FPJ‘s Ang Probinsyano’