Homecoming sa Cebu ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, dinagsa

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/28/2019 01:33 PM
Homecoming sa Cebu ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados, dinagsa
Photo credit: @gazinii IG

Mainit na sinalubong ng kanyang mga kababayan sa Talisay, Cebu si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa kanyang naging homecoming.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gazini Ganados Homecoming ! Video: cdn live #missuniverse #gaziniganados


A post shared by MissUniverseGazini (@gazini_ganado5) on

 

Ito ang unang pagkakataon na nakabalik sa kanyang hometown ang reigning Miss Universe Philippines matapos niyang masungkit ang korona sa Binibining Pilipinas 2019.

Suot ang kanyang Pink Phoenix gown na gawa ng Cebuano fashion designer na si Cary Santiago, nilibot ni Gazini ang Talisay, Cebu dala ang pag-asa na magwawagi sa 2019 Miss Universe pageant.

Sa ngayon, wala pang final announcement kung saan gaganapin ang Miss Universe pageant kung saan ipapasa ni reigning Miss Universe Catriona Gray ang kanyang korona.