EXCLUSIVE: Barbie Imperial, hindi pa ready ma-in love ulit

Barbie Imperial: ‘Mahirap pag meron kang natipuhan pero takot ka’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/28/2019 1:38 PM
EXCLUSIVE: Barbie Imperial, hindi pa ready ma-in love ulit


Photo credit: @msbarbieimperial IG

Medyo nahirapan ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial at tila napasip sa tanong namin sa kanya kung ano ba para sa kanya ang love.

Aniya, “Alam mo, yan ang tanong na ang hirap sagutin. Hindi ko alam, eh. Kasi depende sa sitwasyon. Di ba, parang mapapaisip ka na what is love nga ba talaga,” naguguluhan niyang sagot.

Dugtong niya, “Siguro, sa akin, love is parang hindi lang siya feeling, eh. Parang it’s a commitment for me. Kasi parang, example, meron kang boyfriend and then one day nagising ka na wala ka nang napi-feel, so paano na yon, di ba?

“Kung iniwan mo ba yung taong yon, love ba yon? I mean, feelings mo yung ina-ano mo, eh, hindi mo binabase sa love.

“Pero for me, parang ang love is – may feelings pero commitment din talaga. Parang hindi ka lang gigising ng isang araw na pag naramdaman mo na wala na yung feelings, eh, wala na rin yung love. Sana ay isipin mo rin kung ano yung pinasok mong commitment.

“Kasi when you say in love, willing ka to risk everything. Parang lahat ng negative about him, about them, tanggap mo talaga, kaya mong i-take – yon yung love sa akin,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Barbie.

Handa na ba siyang ma-in love ulit?

“No! Ayoko muna!” pagdidiin ni Barbie. “Ewan ko ba, parang… okey lang masaktan pero dapat matututunan mo rin yung lesson na ibinibigay sa ‘yo ni God kapag may nawawalang tao sa buhay mo. So, dahil wala pa akong dyowa ngayon, ibig sabihin na-learn ko kung ano yung pinaparating,” katwiran pa niya.

Inamin din sa amin ni Barbie na may mga nanliligaw sa kanya ngayon na mga non-showbiz at showbiz guys.

“Oo, meron. Kaya lang mahirap pag meron kang natipuhan, pero takot ka. Hindi mo alam kung ipu-push mo kasi sobrang okey siyang tao pero what if? Takot ka, eh, kas baka siya yung masaktan mo pa,” rason pa ng dalaga.

Habang walang love life ay focus muna si Barbie sa work at mga kaibigan.

“Masaya ako na yung time ko nasa work, tapos sa family ko at mga kaibigan ko. Actually, na-miss ko po kasi yung mga kaibigan ko, eh.

“Kapag pumapasok kasi tayo ng isang relationship nahahati yung oras, eh. So, sobrang na-miss ko lang yung friends ko at ini-enjoy ko muna sila,” huling pahayag ni Barbie.