RK Bagatsing, nagkaroon na ba ng indecent proposal?

RK Bagatsing, nag-react sa pagkakaroon ng kapatid niyang si Raymond ng video scandal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/27/2019 12:08 PM
RK Bagatsing, nagkaroon na ba ng indecent proposal?


Natatawang sinagot ni RK Bagatsing ang tanong ng press kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal mula sa mayayamang bading outside show business.

“Nagtataka nga ako, bakit wala, eh,” game niyang sagot sa tanong.

Pakiramdam nga raw niya ay hindi siya likeable kaya wala siyang natatanggap na ganung proposal.

Aniya, “Alam mo, tinatanong ko nga ang sarili ko, ‘Hot ba ako? Hindi ba nila ako gusto? Hindi ba ako deserving sa ganun?’ It’s not that I’m going to say yes pero wala, eh.”

Eh, what if makatanggap siya ng ganun sa mga susunod na araw?

“First, I’m going to be flattered. Pero politely I will say no. Kasi alam mo, yung mga ganyan… Sinasabi ko nga, nung ginawa namin yung pelikula, dati parang, ‘uy, sex, binayaran si ganito, binayaran si ganyan.’

“Hindi mo iisipin na meron palang mas malalim pang rason kung bakit sila nagbabayad for sex, di ba? Ibig sabihin, nalulungkot sila sa buhay nila,” rason ng Kapamilya actor.

Nang tanungin namin kung aware ba siya sa private video scandal ng kapatid niyang si Raymond Bagatsing ay hindi na nag-deny ang aktor.

“Napanood ko nga, eh. Sabi ko, ‘Ang lupit mo, ah. Naku, mag-ingat-ingat ka na next time,” sabi raw niya sa kapatid.

Hindi rin daw naging big deal sa kanilang magkapatid ang naturang scandal dahil pareho naman silang lalaki.

“Wala, nagtawanan lang kami. Marami din namang nabiktima ng ganyan at kinalimutan lang nila,” sey pa niya.

Binanggit din ni RK ang ilang aktor na nagkaroon na rin ng private video scandal pero pinagtawanan lang daw ng mga ito at ginagawa pang biruan.

Muli naming tanong, hindi kaya meron din siyang video scandal na lalabas?

Nakangiti at pabiro niyang sagot, “Nandito pa yung phone ko. Wala pang lalabas.”

Dagdag pa ng actor, “Pilyo pa rin naman ako ngayon, pero wala naman siguro. Maingat naman. Delete kaagad, delete mo kaagad. Ano lang yun, spur of the moment.”

Si RK ay bida sa pelikula ng Regal Entertainment na Cuddle Weather kapartner si Sue Ramirez.The film is directed by Ron Marmol at palabas na sa September 13 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.