Regine Velasquez, may espesyal na pagbati kay Ogie Alcasid

Ibinahagi ng singer na si Regine Velasquez ang kanyang sweet na mensahe para sa asawang si Ogie Alcasid sa 52nd birthday nito ngayong Martes, Agosto 27.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2019 4:48 PM
Regine Velasquez, may espesyal na pagbati kay Ogie Alcasid


Photo credit: @reginevalcasid IG

Ibinahagi ng singer na si Regine Velasquez ang kanyang sweet na mensahe para sa asawang si Ogie Alcasid sa 52nd birthday nito ngayong Martes, Agosto 27.

Sa Instagram, pinasalamatan ng tinaguriang Asia’s Songbird ang kanyang “mahal” sa kasiyahang patuloy na dinudulot nito sa kanyang buhay.

Aniya, “Mahal, maraming salamat sa kaligayahang binibigay mo sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Happy Birthday. I love you to the moon all the stars and planets not to mention Bulacan to Makati to Quezon City and back.”

 

 

Sa kanyang susunod na post ay nagbahagi si Regine ng maikling bidyo mula sa surprise birthday party ni Ogie kasama ang kanilang pamilya at ilang malapit na kaibigan mula sa showbiz. Kasama na rito sina Michael V., Piolo at Inigo Pascual, Zsa Zsa Padilla, John Estrada, Randy Santiago, Gelli de Belen, Bayani Agabayani, Pia Magalona, at Karylle.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Samantala, ilan sa mga Kapamilya stars na nagpaabot ng kanilang pagbati sa pamamagitan ng social media ay sina Angeline Quinto, Kaye Abad, Lani Misalucha, Pops Fernandez, Lorna Tolentino, at Coney Reyes.