• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros: ‘Hindi ako nagpipigil kung meron akong gustong tao’

Paolo Ballesteros: ‘Hindi ako nagpipigil kung meron akong gustong tao’

Paolo Ballesteros reveals who he is as a person, as a father and as a lover.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/27/2019 1:49 PM
Paolo Ballesteros: ‘Hindi ako nagpipigil kung meron akong gustong tao’


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni The Panti Sisters star Paolo Ballesteros kung sino siya kapag wala siya sa public eye. “Ako I keep to myself. Sa bahay lang ako, tahimik. Pagkatapos ng trabaho, bahay,” ani Paolo.

Inamin din niya na ayaw niyang pag-usapan kung ano ang gender identiy niya. Inamin daw niya na “lady” siya kasi paulit-ulit siyang tinanong tungkol dito sa isang press conference. “Kasi 36 years old na ako. I don’t care yung mga gender gender... ‘Pag sinabing kong hindi, may mga magre-react. ‘Pag sinabi kong oo, naku hindi naman na issue yan, matagal na. I’d rather not answer that,” giit ni Paolo.

“Kung ano yung ginagawa ko, hindi ko naman tinatago… Nakapost naman lahat ng ginagawa ko,” dagdag pa ng aktor.

READ: Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’

Nagkwento din siya tungkol sa kanyang 10-year-old daughter na si Keira. Ani Paolo, nag-aaral si Keira sa Baguio kasama ang Mommy nito. “E di ayan napaka-arte rin… Gusto rin mag-artista. She’s very smart,” sabi ni Paolo.

Naiintindihan din diumano ni Keira si Paolo. “Walang tanong-tanong, gets na niya. Ang bonding namin niyan nanunuod kami ng RuPaul’s (Drag Race),” ayon pa sa aktor na kilala rin sa kanyang mga make-up transformations.

READ: Paolo Ballesteros on explaining his sexuality to his daughter: ‘She's innocent and yet she gets it’

Kwento pa ni Paolo, inaayusan din niya si Keira. “Pagka meron silang Linggo ng Wika… pag pasok niya ng school bonggang-bongga siya… naka-false eye lashes na mahahabang ganun. Mine-makeupan ko, gustong-gusto naman niya,” aniya.

Kapag bakasyon daw ay nasa kanya si Keira. Magkaibigan din si Paolo at ang Mom ni Keira. “We’re friends. Pagka nasa bahay sila, may room sila dun sa bahay. She can stay any time sa bahay,” ani Paolo. 

Ilang tao na kaya ang minahal ni Paolo? “Too many to mention. Kasi mabilis akong ma-fall,” sagot ni Paolo.

“Siguro dahil mabait (ako), hindi ako nagpipigil kung meron akong gustong tao. Ipapakita ko lahat, kasi iniisip ko paano kung biglang mawala,” dagdag ni Paolo.

Dahil din daw daw dito ay mas malaki ang chance na si Paolo ang “masasaktan madalas” pagdating sa love.

Aminado din si Paolo na siya ay seloso. “Seloso. Loyal kasi ako e,” aniya.