PANOORIN: Kim Molina, bida sa bagong pelikulang Jowable

Unang teaser ng bagong pelikula ni Kim Molina na Jowable, inilabas na.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2019 4:09 PM
PANOORIN: Kim Molina, bida sa bagong pelikulang Jowable


Photo credit: @kimsmolina IG

Matapos ang tagumpay ng kaniyang iWant digital movie na MOMOL Nights, bibida muli si Kim Molina sa kakaibang pagganap sa bagong comedy movie na Jowable. 

Inilabas nitong Lunes ang unang teaser ng Jowable, kung saan ay makikita ang nakakatawang sagutan ng lasing na karakter ni Kim at ng isang tindera ng damit. 

"PARA SA MGA TAONG IPINAPAMUKHA SA’YONG WALA KANG JOWA!!! [sic]," ayon sa caption ng Twitter post ni Kim.

 

 

Hango sa series ng short films ang Jowable na pinasimulan ng produksiyon ng Vincentiment sa social media, noong nakaraang taon. Tungkol ang orihinal na series sa isang babaeng may hawak na bote ng alak na hinihiling na magkaroon ng jowa. 

Sa parehong pelikula ay makakasama rin ni Kim ang real-life partner niyang si Jerald Napoles.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Stage - Reel - Real. #JOWABLE

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina) on

 

Mapapanood ang Jowable sa September 25.