• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid, ibinunyag ang one year anniversary ng anak na si Leila at kasintahan nitong si Curtismith

Ogie Alcasid, ibinunyag ang one year anniversary ng anak na si Leila at kasintahan nitong si Curtismith

Ayon kay Ogie, nag-celebrate na ng kanilang one year anniversary sa Taiwan ang anak niyang si Leila Alcasid at ang nobyo nitong si Mito o mas kilala bilang Curtismith.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2019 4:04 PM
Ogie Alcasid, ibinunyag ang one year anniversary ng anak na si Leila at kasintahan nitong si Curtismith


Screenshot from Magandang Buhay

Suportado ni Ogie Alcasid ang kaniyang anak na si Leila Alcasid sa love life nito kasama ang nobyong si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith. Sa episode ng Magandang Buhay nitong Lunes, August 26, ibinunyag ni Ogie na nag-celebrate di umano sina Leila at Mito ng kanilang one year anniversary sa Taiwan.

"Eh kasi nagpaalam, eh. Nagpunta sila ng ibang bansa, sa Taiwan," kuwento ni Ogie na sinabing kaya niya nalaman na ngayong August ang anniversary nina Leila at Mito. 

Dagdag ni Ogie, noong Pasko ng nakaraang taon unang beses na nakilala ni Mito silang pamilya kasama pa ang ina ni Leila at dati niyang asawa na si Michelle Van Eimeren. 

"Ngayon, maraming beses na rin. Gusto ko kasing (iniimbitahan siya), gusto kasi nakikilala niya kami, at nakikilala namin siya.... Nung Pasko, una niyang pagkakataon na makilala kaming lahat pati sila Michelle," pahayag ni Ogie. 

Ayon pa kay Ogie, maluwag ang pagtrato niya ngayon kay Leila dahil gusto niyang matuto ito ng responsibilidad habang maaga pa. 

"Eh sabi ko kasi sa kaniya, 'Alam mo anak, habang bata ka, maganda na makapagtravel ka kasi marami kang matututunan eh.' At ineencourage ko siya na maging adult. Kasi hindi na siya bata eh. So lahat ng responsibilidad ay magawa na niya, tulad ng pagbabayad ng bills..."

"Saka sinasabi ko sa kaniya, 'Adult ka na, alam mo na ang tama at mali,'" paliwanag ni Ogie sa mga momshie-hosts. 

READ: LOOK: Leila Alcasid linked to indie artist Curtismith

READ ALSO: EXCLUSIVE: Leila Alcasid says her dad Ogie does not interfere with her career 

Nagdiwang ng kaniyang 52nd birthday si Ogie sa nasabing episode ng Magandang Buhay. Dito, nakatanggap din siya ng mensahe mula sa mga kaibigan sa showbiz tulad nina Vice Ganda, Dingdong Avanzado, Nyoy Volante, K Brosas at Dulce.