• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, natupad ang pangarap na makalaro ang ‘legit players’ sa All-Star Games 2019

Kim Chiu, natupad ang pangarap na makalaro ang ‘legit players’ sa All-Star Games 2019

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu matapos niyang makalaro ang ilang professional volleyball players sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2019.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2019 4:07 PM
Kim Chiu, natupad ang pangarap na makalaro ang ‘legit players’ sa All-Star Games 2019


Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu matapos niyang makalaro ang ilang professional volleyball players sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2019 sa Araneta Coliseum nitong Linggo, Agosto 25.

Kilala bilang fan ng volleyball, inamin ng Love Thy Woman star sa kanyang Instagram post nitong Martes na “dream come true” para sa kanya ang nasabing experience.

“As a volleyball fan, playing alongside with legit players and coach plus in Araneta is a dream come true. Thanks ABS-CBN events! This [volleyball] experience [is] definitely one for the books!” caption ni Kim sa ilang kuha mula sa kanyang game bilang captain ng nagwaging Red Team sa women’s volleyball category.

 

 

READ: Team Gerald and Team Kim reign supreme at the All Star Games 2019

Kasamang naglaro ni Kim sa kanyang team ang pro-volleyball players na sina Jia Morado ng UAAP Season 79 Women's Volleyball at Eya Laure ng the UST Golden Tigresses. Samantala, parte naman sina Gretchen Ho, na dating player ng Ateneo Lady Eagles, at Carl Fernandez ng FEU Lady Tamaraws ng Blue Team na pinangunguhan ni Julia Barretto.