Khalil Ramos, handa na sumabak muli sa paggawa ng kanta

Khalil Ramos, balak din pasukin ang pagdidirek balang araw.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/27/2019 12:14 PM
Khalil Ramos, handa na sumabak muli sa paggawa ng kanta


Pansamantala munang kinalimutan ni Khalil Ramos ang pagkanta simula nung mabigyan siya ng pagkakataong umarte sa mga pelikula at teleserye. Si Khalil ay produkto ng ABS-CBN contest na Pilipinas Got Talent. Singing ang talent na ipinakita niya dito na nagbukas ng pinto para makapasok siya sa showbiz.

Pumirma ng kontrata kamakailan lang si Khalil sa Cornerstone Records at ayon sa binata, naghahanda na raw siyang balikan ang pagkanta kapag nagkaroon ng panahon.

“We had plans pero hindi ko pa po nabibigyan ng focus. Siguro po soon tatrabahuhin ko,” ani Khalil.

Isa rin daw sa nag-i-encourage na muli siyang kumanta ay ang girlfriend na si Gabbi Garcia.

“Si Gabbi actually pinu-push akong kumanta. Ever since, pinu-push niya talaga ako, kasi pina-realize niya sa akin na ang dami kong supporters when it comes to music. Pero siguro, ang struggle for me is how to really balance thing because I found passion din sa acting and film making.

“I also run a small production house that produces online content. So, parang mas naglaan ako ng oras para do’n sa dalawang yon kaya napabayaan ko yung singing. Although, hindi ko po siya totally pinapakawalan,” pahayag ng singer-actor.

Patuloy ni Khalil, “Pero gusto kong mag-start from scratch pag binalikan ko ang singing para malabas ko talaga kung sino ako musically—yung tunay kong pagkanta, tunay kong genre. And ang trouble ko naman kasi hindi po ako nagsusulat ng kanta, eh.

“Marunong po akong magsulat ng screenplays, ng mga script pero sa pagkanta nahihirapan akong i-compress yung idea into a three-minute song. Siguro po mas ie-explore ko muna yon para maibigay ko yung puso ko whole heartedly to singing.”

Kahit bumalik sa pagkanta ay hindi rin daw talaga niya iiwan ang pag-arte.

“I fell in love with it, yon talaga po. I think I will be doing it for the rest of my life and ang dami po kasing nagbunga na iba’t ibang opportunities nung nagsimula akong magseryoso sa pag-arte.

“Don din ako nagkainteres sa pagsusulat at paggawa ng pelikukla kaya feeling ko po ito na yung… so mas iho-hone ko pa po yung talent ko. Marami po akong goals as an actor,” lahad pa niya.

Apat ang pelikulang natapos nang gawin ni Khalil na sunud-sunod na ipalalabas. Iba’t iba rin ang genre ng mga ito. Isang horror film ang The Ghosting, comedy naman ang Dead Kids, romance-comedy-musical ang LSS at drama ang Resbak.

“I really wanted to explore, I guess my ropes and yung versatility ko  bilang actor kung saan ako mas mag-i-excel. And I really enjoyed doing a horror film. When it comes to challenge, horror is for me one of the most challenging kasi it’s bringing the supernatural to a natural state kapag actor ka.

“When it comes to enjoyment naman, pantay-pantay lang. Ako naman po, lumalabas yung excitement ko when I’m challenged by a certain role. Of course, I enjoy comedy, Dead Kids was my first comedy film, I enjoyed that kasi siyempre sobrang light lang,” sambit pa niya.

Maging ang pagdidirek ay gusto ring pasukin ni Khalil.

“Yes, it’s a dream of mine. Right now kasi yung production house namin, we focus on digital content pa lang, pero yes, I am planning to work behind the camera in the coming years pero I’m still gaining experience from different people whenever I’m the set as an actor,” wika pa ng aktor.