Bea Alonzo, ipinagpapasa-Diyos ang kanyang pinagdadaanan

Bea Alonzo shares an inspiring Instagram story.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/27/2019 3:46 PM
Bea Alonzo, ipinagpapasa-Diyos ang kanyang pinagdadaanan


Photo credit: @beaalonzo IG

Matapos maging laman ng balita kamakailan matapos ang kanyang hiwalayan kay Gerald Anderson, moving forward na rin si Bea Alonzo sa isyu at balik social media na rin siya.

Matapos ang kanyang pag-amin na hindi na lamang sila nag-usap ng aktor, ‘yon na rin ang huling panayam ng aktres kung saan pinag-usapan ang kanyang love life at ang sinapit nito.

Read: Bea Alonzo, nagsalita na tungkol sa isyu nila ni Gerald Anderson

Unang nag-post si Bea sa kanyang Instagram feed ng alaala niya noong bata pa siya at sinabing “Simple lang ang buhay noon.”

Read: https://push.abs-cbn.com/2019/8/21/fresh-scoops/bea-alonzo-breaks-social-media-silence-i-was-rai-214001

Isa pang inspiring na post ni Bea ngayon ay sa kanyang Instagram story kung saan ipinagpapasa-Diyos niya na lamang ang lahat.

“...And then God stepped in,” ani ng post kung saan sinulat niyang, “Lord, I lift up everything to you.”

Sa kasalukuyan ay abala ngayon si Bea para sa kanyang upcoming movie kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.