• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes, galing sa hirap at may pusong nilalaan para sa pamilya

Andrea Brillantes, galing sa hirap at may pusong nilalaan para sa pamilya

Andrea Brillantes: ‘Lahat to ginagawa ko para sa family ko.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/27/2019 1:32 PM
Andrea Brillantes, galing sa hirap at may pusong nilalaan para sa pamilya


Sa ulat ng Rated K, galing sa mayamang pamilya ng mga Mondragon ang character ni Andrea Brillantes na si Marga sa hit seryeng Kadenang Ginto. Pero sa totoong buhay, laking squatter si Andrea bago pa man siya maging artista. “Sa squatters po. Simple lang po talaga. Magulo. Nakikitira lang kami sa grandparents ko,” ani Andrea.

Bata pa man daw siya noon, alam na niya kung ano ang pangarap niya. “Gusto kong malagay yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon and gusto ko kasi magkakasama na kami,” sabi ni Andrea.

Nagsimula diumano ang pangarap niyang maging artista nang maaksidente ang kuya ni Andrea.  “Nung nangyari yun, kinukulit ko siya, magnu-New Year na… Tumakbo na lang siya nang mabilis tapos nahiwa yung (mukha niya). Sinisisi ko ang sarili ko, di ko din naman talaga sinasadya yun. Tapos na-depressed siya,” kwento ni Andrea.

Kinailangan din daw ng kuya niya ng operasyon at mga gamot. Kasabay daw nito ang pagkakaroon ng sakit sa ilong o tenga ng ate niya. Dahil sa pangangailangan ng pamilya ay sumali sa isang pageant si Andrea. “Sumali ako sa beauty pageant. Nung sumali ako sa beauty pageant na yun. Nakatulong na ako sa ate at kuya ko,” sabi ni Andrea.

Simula dito ay nagpa-ekstra ekstra na si Andrea. “Pilapila sa mga auditions, lahat. Pero hindi ako nag-stop, kasi lahat to ginagawa ko para sa family ko,” dagdag ng young actress.

READ: https://push.abs-cbn.com/2019/8/26/fresh-scoops/andrea-brillantes-hindi-pinagsisisihan-ang-pagigi-214386

Matapos ng mga pagtitiis at pag-aantay pinalad naman si Andrea maging bida sa remake ng Annaliza

Pero ang naging biggest break ni Andrea so far ay ang kinaiinisan niya ngayong character bilang Marga Mondragon.

Mula sa pagiging bata mula sa squatter, isa-isa na ngayong nakakamtan ni Andrea ang mga pangarap niya. At bida man o kontrabida onscreen, patuloy lang si Andrea sa pagsisikap para sa pamilya niya.