Vivian Velez, may paki-usap kay John Lloyd Cruz

Na-miss na ng beteranang akrtes na si Vivian Velez ang kanyang dating ‘Imortal’ co-star na si John Lloyd Cruz.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/26/2019 10:41 AM
Vivian Velez, may paki-usap kay John Lloyd Cruz


Photo credit: @vivianv8 IG

Tila isang paki-usap naman ngayon ang ibinahagi ng aktres na si Vivian Velez para sa aktor na si John Lloyd Cruz.

Kasunod ito ng naging pansamantalang bakasyon ng aktor sa showbiz para pagtuunan ng panahon ang kanyang sariling buhay.

Sa Facebook ng aktres, ibahinahagi ni Vivian ang kanyang pagka-miss sa dating kasamahan.

“We Miss this sweet guy.” pahayag ng aktres sa post.

“We Love you. Lloydie, comeback soon!” sabi pa ni Vivian sa post.

Nagkasama si Vivian at John Lloyd sa ilang Kapamilya shows, tulad ng Imortal kasama si Angel Locsin.

READ: John Lloyd Cruz promises to make comeback film with Cathy-Garcia Molina

Sa ngayon wala pang balita kung kelan ang pagbabalik ng aktor sa pag-arte. Huli siyang nakita ng publiko sa advertisement para sa isang food chain.