Vice Ganda at Ion Perez, nagpakilig sa All Star Game 2019

Todo ang suporta ni Vice para kay Ion na nagpakilig sa audience ng All Star Game.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/26/2019 1:28 PM
Vice Ganda at Ion Perez, nagpakilig sa All Star Game 2019


Mas maging exciting ang naganap na All-Star Game 2019 sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi, August 25, dahil tila hindi na nagpa-apekto pa ang Kapamilya host na si Vice Ganda sa mga intriga na nakapalibot sa kanila ngayon ni Ion Perez.

READ: Ion Perez says he is not in a relationship with Vice Ganda

Sa huling bahagi ng laban pumasok sa game si Vice Ganda para magbigay suporta sa kanyang team members kabilang na ang napappabalitang boyfriend nito na si Ion.

Sa panayam, sinabi ni Vice na si Ion ang kanyang personal bet sa kanyang team members.

Sa ngayon, kapwa napapanood si Vice at Ion araw-araw sa “It’s Showtime”.