Tirso Cruz sabik makatrabaho si Aga Muhlach sa MMFF

Hindi maitago ng aktor na si Tirso Cruz III ang kanyang pananabik na makalahok sa darating na Metro Manila Film Fest kasama si Aga Muhlach.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/26/2019 10:33 AM
Tirso Cruz sabik makatrabaho si Aga Muhlach sa MMFF


Photo credit: @tirsocruziii IG

Isa ang aktor na si Tirso Cruz III sa mga inaasahan na magiging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Sa Instagram post ng aktor, ibinahagi niya ang kanyang pananabik para sa kanilang balik pelikula ni Aga Muhlach, na bida sa Filipino Adaptation ng Miracle In Cell No. 7.

“Thank You Lord for the opportunity to be working with him in this movie entitled, Miracle In Cell No. 7 It’s a very touching, heart melting movie. It wasn’t just the chance to work with him that I truly appreciated and enjoyed. It was more the chance to converse and share memories of the past with him. I suggest you watch this beautiful movie” bahagi ng post ni Tirso.

 

 

South Korean film ang original version ng pelikula na tungkol sa isang lalaki na inakusahan ng isang krimen na di niya ginawa. Sa tulong ng mga kaibigan, naipakita ng bida sa kanyang anak ang kanyang pagmamahal dito kahit siya ay nakakulong. 

Makakasama nina Aga at Tirso si Bela Padilla, na pumalit kay Nadine Lustre bilang isa sa mga lead stars ng pelikula. 

READ: Why Nadine Lustre backed out of ‘Miracle in Cell No. 7’

Patuloy naman na napapanood si Tirso sa telebisyon sa The General’s Daughter bilang si Tiago Guerrero