TINGNAN: Raymart Santiago, nakasama ang mga anak

Hindi man naging smooth-sailing ang kanilang relasyon sa mga nagdaang taon ay tila unti-unti nang nagkakaayos ang aktor na si Raymart Santiago at mga anak nitong si Sabina at Santino.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/26/2019 1:15 PM
TINGNAN: Raymart Santiago, nakasama ang mga anak


Photo credit: @raymartsantiago IG

Hindi man naging smooth-sailing ang kanilang relasyon sa mga nagdaang taon ay tila unti-unti nang nagkakaayos ang aktor na si Raymart Santiago at mga anak nitong si Sabina at Santino.

Matatandaang nitong 2018 lamang nang mapabalita ang samaan ng loob ng action star at panganay nito kaugnay ng kanyang usap-usapang relasyon sa pamangkin ni Senator Loren Legarda na si AC Legarda.

READ: Is Sabina Santiago upset with her father Raymart Santiago’s new relationship?

Nitong Linggo, ikinatuwa ng netizens nang magbahagi si Raymart ng isang rare photo kasama ang mga anak nito sa dating aktres na si Claudine Barretto. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sundays be like...

A post shared by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

 

Maging si Gretchen Barretto na kapatid ng Optimum Star ay ipinahatid ang kanyang kasiyahan na makitang magkakasamang muli ang maga-ama sa pamamagitan ng pag-comment ng heart emoji.

Hunyo ng nakaraang taon nang unang mapabalita ang reunion nina Raymart at Sabina sa 14th birthday celebration ng huli. Sa Instagram ay nagbahagi ang aktor ng retrato kasama ang panganay at sinabing: "Happy 14th birthday anak. I love you."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy 14th Birthday anak I Love You

A post shared by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

 

Sa ngayon ay nananatiling kasal pa rin si Raymart kay Claudine anim na taon matapos nilang maghiwalay.