MNL48, nagpasikat sa China

Isa ang MNL48 sa mga grupong nagpasikat sa AKB48 Group Asia Festival na ginanap sa Shanghai, China nitong Sabado, Agosto 24.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/26/2019 10:29 AM
MNL48, nagpasikat sa China


Photo credit: @mnl48official IG

Isa ang MNL48 sa mga grupong nagpasikat sa AKB48 Group Asia Festival na ginanap sa Shanghai, China nitong Sabado, Agosto 24.

Nakatanggap ng masigabong palakpakan ang grupo mula sa kanilang fans sa China matapos nilang magpabilib sa live performance ng kanilang bagong single na '365 Araw ng Eroplanong Papel'.

Kasama ang ibang international sister groups ng AKB48, kabilang na ang BNK48 ng Thailand, ilan pa sa mga ipinerform ng MNL48 sa kanilang maikling concert ay ang kantang "Time After Time" ni Cyndi Lauper at AKB48 original na "Hoshi no Ondo".

Matatandaang nito lamang Enero nang unang mag-perform ang MNL48 sa harap ng international audience matapos maimbitahan sa naunang AKB48 Group Asia Festival sa Thailand.

Silipin ang kanilang nakakabilib na performance dito: