• Home
  • Fresh Scoops
  • Jett Pangan, ikinuwento kung paano nagsimula ang career niya sa musical theater

Jett Pangan, ikinuwento kung paano nagsimula ang career niya sa musical theater

Kasama si Lea Salonga, bibida si Jett Pangan sa Manila run ng sikat na musical play na ‘Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/26/2019 10:16 AM
Jett Pangan, ikinuwento kung paano nagsimula ang career niya sa musical theater


Photo credit: @jett_pangan IG

Tinuturing ng OPM Rock Icon na si Jett Pangan ang sarili bilang "late bloomer" pagdating sa mga musical plays. Ayon sa singer at aktor, nag-umpisa lamang siya sa mundo ng pagta-teatro sa kaniyang 30s.

"People think actually now that I've been doing musicals since I was born, [but] no that's not the case. My first musical happened when I was already in my 30s. I didn't like musicals then, I'm a singer in a rock band before. So sa akin ang cool lang noon ay to be in a band, nothing else," kuwento ni Jett sa interview sa PUSH Bets Live. 

Inaalala ni Jett ang pinaka-una niyang pagganap sa musical play na Jesus Christ Superstar noong 2001, kung saan ay nakasama niya sina Rico Blanco at Noel Cabangon. 

"So swerte ako, in the sense na I come from a band and then I do a rock musical like Jesus Christ Superstar, so para sa amin hindi ganon kahirap ang adjustments," pagpapatuloy ni Jett. 

WATCH: PUSH Bets Live: Jett Pangan, bibida bilang ‘Sweeney Todd’ sa sikat na musical play

Sa ngayon, bibida si Jett sa bagong run ng Tony-award winning musical na Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street, dito sa Manila. Para sa aktor, may pressure siyang nararamdaman dahil sa mismong materyal, at bukod pa sa makakasama niya ang Tony-award winning actress na si Lea Salonga. 

"Before I even get pressure to working with a big name like Lea, it is the musical itself e. It's very technical, you have to be on your toes as an actor. 

"Whether you're a big name or not, you respect the material just the same. So more than me thinking I'm running a race with a Lea Salonga, it's not even that. I'm sure Lea feels the same na we're all here working for a project," paliwanag ni Jett. 

Itatanghal ang Sweeney Todd sa October 11 hanggang 27, sa The Theater at Solaire. Pagkatapos ang run sa Pilipinas, ay magkakaroon rin daw ito ng international run. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

"I'll come again when you have Judge on the menu" #sweeneytoddMNL #atlantistwenty #solairemanila

A post shared by Jett Pangan (@jett_pangan) on

 

Unang nakilala si Jett bilang miyembro ng sikat na OPM Rock Band na The Dawn. Sa pananatiling aktibo sa music scene nang mahigit na tatlong dekada, ibinahagi ni Jett ang "sikreto" sa tagal nila bilang isang banda. 

"You have to be friends enough to last this long. Kahit na anong sabihin mo, 20 or 10 years, we're still five different people, we have differences. But if you guys get along well enough to work as one unit, kaya e," sagot niya. 

Nitong nakaraang taon lang ay may inilabas na bagong album ang The Dawn, ang “Ascendant.” Mapapakinggan ito sa mga digital platform tulad ng Spotify.