Daniel Padilla proud boyfriend kay Kathryn Bernardo

Aprubado din daw ni Kathryn ang posibilidad na pakikipagtrabaho niya sa ibang leading lady.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/26/2019 4:41 PM
Daniel Padilla proud boyfriend kay Kathryn Bernardo


Buong buo ang suporta ng aktor na si Daniel Padilla para sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Kasunod ito ng blockbuster success ni Kathryn at leading man na si Alden Richards para sa “Hello, Love, Goodbye” na close to 1 Billion na ang kinikita ngayon.

 

 

“Siyempre very proud, kanina nga nagsimba kami, para lang magpasalamat sa mga blessings na natatamo niya at natatamo ko rin, ayun masaya kasi syempre ang tagumpay niya ay tagumpay ko rin,” bungad na kuwento ni Daniel.

Dahil nasimulan na ang pag-explore ng kanilang mga karera bilang solo artists,  bukas din daw sa posibilidad si Kathryn na makipagtrabaho si Daniel sa ibang leading lady.

“Sabi nga ni Kathryn ‘hindi naman namin isinasara ang pinto natin sa mga ganyang oportunidad.’ Bahala na,” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, abala si Daniel sa shooting ng kanyang music video para sa kantang “Mabagal,” na isa sa mga entries ng Himog Handog 2019.