Vico Sotto, inihayag ang kanyang ideal girl

‘Gusto ka sana same wavelength’: Ano ang hinahanap ni Mayor Vico Sotto sa isang babae?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/25/2019 1:38 PM
Vico Sotto, inihayag ang kanyang ideal girl


“Trabaho muna.”

Ito ang naging tugon ng Pasig City Mayor na si Vico Sotto nang muling tanungin ang estado ng kanyang buhay pag-ibig ngayon.

Ayon kay Vico na 30 anyos ngayon, handa din siya na sa edad na 40 niya makilala ang kanyang “The One.”

“Ang gusto ko ho sana, hindi naman tayo magiging choosy no, gusto ko sana ‘yung matalino, may itsura naman, wala namang special talaga,” sabi pa ni Vico sa naging panayam ng Philippine Star.

Naging pagbibiro pa ng binatang mayor na tumatanggap na din umano siya ng aplikante sa kanyang edad ngayon.

“Sana naman before 40. Sa ngayon ang masasabi ko lang diyan, Diyos na po ang bahala. Tumatanggap naman ako ng aplikante,” aniya pa.

Pero bago mag-apply, ito daw ang mga qualities na hinahanap ng binatang mayor.

“More than matalino, gusto ka sana same wavelength kami lalo na sa topic ng governance,” pahayag pa niya.

Matatandaan na sa huling ulat ng PUSH sa ama ni Vico na si Vic Sotto, sinabi nitong hands-off siya pagdating sa personal na buhay ng kanyang anak lalo na sa aspeto ng buhay pag-ibig nito.

READ: Vic Sotto, may say ba sa love life ng anak na si Vico Sotto?