Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’

Paolo Ballesteros, mas gumaan ang pakiramdam pagkatapos ng pag-amin ng kanyang gender preference.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/25/2019 1:45 PM
Paolo Ballesteros: ‘I’m a lady!’


Photo credit: @pochoy_29 IG

Aminado ang isa sa bida ng pelikulang The Panti Sisters na si Paolo Ballesteros na mas gumaan sa pakiramdam niya ngayon sa pag-amin (hindi man diretsahan) na isa siyang gay.

“Oo. Mas gumaan, hahaha!” deklara ni Paolo nang makausap siya ng PUSH sa presscon ng The Panti Sisters na pinagbibidahan din nina Martin del Rosario at Christian Bables.

Wala rin daw siyang pakialam ngayon sa kung ano man ang iisipin ng mga tao sa kanyang sexual preference.

“Eh, kasi ano na ako, eh, I’m old enough. I’m a lady, alam mo ‘yon. Hahaha! It doesn’t matter kung ano yung (iisipin nila). Nung una, siyempre meron pa ring (worries), pero ngayon wala na,” pahayag pa ng aktor.]

Iginiit din ni Paolo na hindi dapat gawing big deal kung ano man ang kanyang sexual preference.

“Hindi naman naging issue sa akin kung ano ba ako. Ginagawa ko lang yung work ko, hindi naman ako nagpapa-girl sa normal na buhay… Alam ko, alam nila who I am.

“Nakakatuwakasi pag nagpapa-girl, nae-excite yung mga tao. Pero it’s not about who I am, eh, kasi alam ko alam naman nila who I am,” sambit pa niya.

Eh,ano ba ang gusto niyang karelasyon – straight guy o bisexual?

Natatawaniyang sagot, “Ano… versa, eme.”

Nasa gay linggo ay nangangahulugan ng versatile or top and bottom.

Walang love life si Paolo ngayon. Ang huli niyang nakarelasyon, ang dancer na si Kenneth ay tumagal lang ng halos three months.

Mahirap bang i-handle ang pagiging artist niya kasabay ng pakikipagrelasyon?
“Hindi naman. Depende yon sa tao siguro,” sagot niya.

Pero tulad daw ng director ng The Panti Sisters na si Jun Lana at ng partner nitong si Direk Perci Intalan, ay gusto rin niyang magkaroon ng partner sa buhay na pangmatagalan.

“Siyempre, gusto ko yung may kasama sa buhay, may love life. Siyempre, hindi yon babae, hahaha!” diin pa niya.

Ang The Panti Sisters ay ipalalabas sa September 13 bilang isa sa mga kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino.