Tuloy tuloy lang ang former Miss Earth na si Karen Ibasco bilang isang advocate ng kalikasan.
Sa kanyang social media post, masayang ipinagmalaki ni Karen ang kanyang bagong tungkulin bilang bahagi ng Climate Change Commission ng Pilipinas.
Si Karen ang kinatawan ng Pilipinas sa unang Youth Climate Summit of the United Nations na gaganapin sa New York sa America.
“I’m proud to announce that I am now on board with Climate Change Commission. My journey continues in being a voice for Mother nature,” bahagi ng post ni Karen.
⠀
“I’m so honored to be chosen for this and I can’t wait to meet the other representatives of various countries including very influential personalities in this field. The best part of it is that they still categorize me as a youth! Yes! I can’t believe it myself Hahahahaha,” aniya pa sa post.
“I’m excited to share with you all everything that I will gain from this summit.”
2017 ng kinoronahan si Ibasco na isang Physicist bilang ikatlong Pilipina na nanalo sa Miss Earth Beauty pageant.