• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola: Taking time off from work part of actor’s ‘self-care’

Jessy Mendiola: Taking time off from work part of actor’s ‘self-care’

Dinepensahan ni Jessy Mendiola ang kanyang sarili sa patuloy na pangba-bash ng ilang netizens dahil sa kawalan umano niya ng proyekto sa ABS-CBN nitong mga nakaraang taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/25/2019 11:15 AM
Jessy Mendiola: Taking time off from work part of actor’s ‘self-care’


Photo credit: @senorita_jessy IG

Dinepensahan ni Jessy Mendiola ang kanyang sarili sa patuloy na pangba-bash ng ilang netizens dahil sa kawalan umano niya ng proyekto sa ABS-CBN nitong mga nagdaang taon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

classique 🌹

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

Ito matapos niyang mag-react sa isang fan na nagsabing maganda raw sana siya ngunit wala na siyang palabas o proyekto na mapapanood sa telebisyon.

READ: Jessy Mendiola, binara ang isang netizen sa kanyang post

Sa kanyang Instagram Stories, idiniin ng 'Maria Mercedes' star na 'choice' niya ang pansamantalang pamamahinga sa pagtanggap ng mga proyekto at sinabing parte lamang ito ng buhay ng isang aktor.

"Even actors who are not visible have a choice to rest. Sometimes our job can take a toll on our mental health. It's called self-care," aniya.

Dagdag pa niya, walang masama kung unahin niya ang kanyang sariling well-being kaysa sa pera o kasikatan.

"To those saying that I'm not allowed to rest just because I'm not seen on TV or given any projects? You are wrong. I value balance in my life. Maybe you people should too," ani Jessy.

Huling napanood ang 26-year-old star sa telebisyon bilang guest star sa sikat na palabas na 'FPJ's Ang Probinsyano' nitong 2018. Taong 2015 naman nang huli siyang bumida sa family drama na 'You're My Home' bilang si Grace Fontanilla.

Samantala, muling mapapanood si Jessy sa bagong teleserye na 'Sandugo' kasama sina Ejay Falcon, Aljur Abrenica, at Elisse Joson.