Gretchen Barretto, nagpasalamat kay Mother Lily Monteverde

‘14 Going Steady’ ang launching movie ni Gretchen Barretto sa Regal Films.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/25/2019 3:31 PM
Gretchen Barretto, nagpasalamat kay Mother Lily Monteverde


Photo credit: @gretchenbarretto on Instagram

Isang special birthday celebration ang ibinigay ng aktres na si Gretchen Barretto para sa veteran movie producer na si Lily Monteverde ng Regal Films.

Kasunod ito ng ika-81 ni Mother Lily kaarawan nitong August 19.

 

 

Sa kanyang Instagram, nagbalik-tanaw si Gretchen sa naging malaking tulong na ibinigay sa kanya ni Mother Lily na unang nagbigay sa kanya ng break sa mundo ng showbiz.

“We celebrated Our dear Mother Lily’s Birthday yesterday over Lunch and had a lovely bonding date with her. Grateful to the Lady who gave me my first Big job at age 13,” post ni Gretchen.

14 Going Steady ang launching movie ni Gretchen sa Regal Films kung saan kasama niya sina Nadia Montenegro at Janice De Belen.