Eagle Riggs, pinatawad ang naka-disgrasya sa kanya

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/25/2019 3:44 PM
Eagle Riggs, pinatawad ang naka-disgrasya sa kanya


Screenshots from Michael EAGLE Riggs Youtube Channel

Matapos ang kinasangkutan na aksidente, pagpapatawad naman ang naging sukli ng TV Host na si Eagle Riggs o Michael Pangilinan Riggs sa tunay na buhay.

Nitong August 19 napabalita ang naging aksidente ni Eagle na nabundol ng motorsiklo habang papatawid sa isang kalye sa Palawan.

Dito, nagtamo siya ng mga sugat sa kanyang mukha at kaliwang binti na kinailangan pa na lagyan ng bakal at masusing gamutan.

Sa kabila ng disgrasya, bumuhos ang emosyon ng TV host matapos niyang patawarin ang nakadigrasya sa kanya na si Rey Vincent Pacaldo na isang construction worker.

Sa naging social media post ni Eagle, umani ng paghanga ng kanyang mga kasamahan para sa kanyang kababaang loob.

“Mahalin mo ang pamilya mo mahalin mo ang mga anak mo magiingat na sa pagmamaneho,” emosyonal na pahayag ni Eagle sa video.

Dahil sa pagkakaroon ng bakal sa kanyang binti, isa lang din ang hiling ni Eagle para sa nakadisgrasya sa kanya.

“Sana makita mo ulit ako sa kalsada, bumusina ka ha kahit di ako, kahit sino pa yan buhay yan. Mag mga pamilya yan,” pahayag pa ni Eagle.

Sa ngayon, patuloy ang dasal at panalangin ni Eagle para sa kanyang agaran na pag galing.