• Home
  • Fresh Scoops
  • RK Bagatsing, sa mga intimate scenes sa ‘Cuddle Weather’: ‘Nag-enjoy nga ako e’

RK Bagatsing, sa mga intimate scenes sa ‘Cuddle Weather’: ‘Nag-enjoy nga ako e’

Bukod sa bed scenes, mayroong threesome sex scenes din daw sina RK Bagatsing at Sue Ramirez, sa pelikulang ‘Cuddle Weather.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/24/2019 12:00 PM
RK Bagatsing, sa mga intimate scenes sa ‘Cuddle Weather’: ‘Nag-enjoy nga ako e’


Photo credit: @bagatsingrk on Instagram

"Safe zone" naman daw ang set ng pelikulang Cuddle Weather ayon sa lead actor nito na si RK Bagatsing. Sa interview ng PUSH kay RK, ikinuwento niya ang karanasan sa paggawa ng pelikula kung saan ay unang beses siyang gumanap bilang 'escort' o sex worker. 

"Mahirap, kasi siiyempre naka-plaster ka o naka-skin tone na underwear ka. Pero yung environment naman sa set, was feeling ko naman is a safe zone e. Lahat naman is working towards one goal which is to make the movie great. So, hindi na rin ka-ilang," pahayag ng aktor. 

Makakatambal ni RK si Sue Ramirez sa nabanggit na pelikula, kung saan ay gaganap silang bilang mga sex worker. 

Para kay RK, sa mga bawat eksena na kailangan ng intimacy tulad ng sex scenes at threesome scenes, binibigyan lang sila ng mga teknikal na instructions tulad ng mga anggulo, ilaw, at kamera.

"'Aalagaan naman namin kayo in terms of your shots,' [sabi ng direktor] so naging komportable naman sa set. Hindi nga ako nahirapan talaga, nag-enjoy nga ako e, kasi masaya parang ka lang naglalaro," dagdag na biro ni RK. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sinong di mababaliw sa ulan. @sueannadoodles #CuddleWeather #Ram&Adela #pistangpelikulangpilipino2019 ⛈

A post shared by RK BAGATSING (@bagatsingrk) on

 

Read:RK Bagatsing at Sue Ramirez, magtatambal for the first time sa ‘Cuddle Weather’

Pagpapatuloy ni RK, proud siya sa bagong pelikula dahil may tema itong nag-eeducate hindi lamang tungkol sa sex, pati na rin sa HIV awareness at safe sex.

"Doon naman sa movie namin, ineducate namin like how to take care of yourself, na you have to be tested always, from time to time. And sa country natin na laganap ang HIV there's some points [in the movie] they can pick up and learn from. Like yung mga HIV Testing centers, how to protect yourselves through contraceptives, condoms," paliwanag ni RK. 

Naniniwala rin si RK na ang mga manonood sa panahon ngayon ay makokonsiderang "open minded". 

Samantala, nang tinanong ang aktor tungkol sa kaniyang lovelife, matipid nitong sinagot nang "Sabihin na lang natin na wala akong problemang maghanap ng ka-cuddle. Na kapag umuulan na ay may yumayakap sa akin at masaya ako do'n," aniya.

Read:FIRST LOOK: Sue Ramirez starts shooting her new movie ‘Cuddle Weather’

Mapapanood ang Cuddle Weather bilang isa sa sampung kalahok sa Pista Ng Pelikulang Pilipino, sa September 11.