• Home
  • Fresh Scoops
  • Rappers Bassilyo, Shernan, at Smugglaz malaki ang pasasalamat kay Coco Martin

Rappers Bassilyo, Shernan, at Smugglaz malaki ang pasasalamat kay Coco Martin

Rappers Bassilyo, Shernan, at Smugglaz honor the late FPJ with a rap

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/24/2019 12:47 PM
Rappers Bassilyo, Shernan, at Smugglaz malaki ang pasasalamat kay Coco Martin


Photo credit: @supershernan, @bryanlao.187 and @bassilyoofficial on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento sina rappers turned actors Bassilyo, Shernan, at Smugglaz kung paano sila hinanap ni Kapamilya star Coco Martin para kunin silang aktor hindi lang sa Ang Panday kundi na pati sa phenomenal seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Read:Matapos ‘Ang Probinsyano’, ibang pelikula pa ni FPJ bibigyang buhay ni Coco Martin?

Nagsimula daw ang lahat sa Panday para kay Smugglaz. “Bale po nung nagkaroon ng Panday, dun po kami nakuha nila Bassilyo,” ani Smugglaz. 

Nag-share naman si Shernan ng kanyang disbelief nang hanapin sila noon ni Coco. “Di pa ako makapaniwala kasi Coco Martin na yan e tapos kilala kami. Pero yun nga hinanap niya daw po kami kasi natutuwa siya sa amin tapos parang nakitaan niya yata kami ng konting pag-asa,” pagbibiro ni Shernan. 

Bilang pagunita rin sa nag-iisang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr sa kanyang kaarawan, nag-share sila ng values na naipapakita ng show na FPJ’s Ang Probinsyano sa sambayanang Filipino. “Ang natutunan ko dyan sobra yung respeto sa kapwa,” sabi ni Shernan.  

Read:Coco Martin, ‘Ang Probinsyano’ co-stars honor late FPJ’s 80th birthday

“Saka po yung mga magagandang kultura ng mga Pilipino, na sa katagalan lalo na ngayon nawawala na. Kumbaga naipapakita pa rin sa Ang Probinsyano katulad ng mga lumang laro saka dun sa paggalang sa matatanda,” dagdag naman ni Smugglaz. 

Equality naman ang naiibahagi ng hit serye para kay Bassilyo. “Para sa akin yung pagkakapantay-pantay. Equality. Napakaimportante niyan sa lipunan natin,” pagtatapos naman ni Bassilyo.  

Naghanda rin ng acapella rap sina Bassilyo, Shernan, at Smugglaz para sa nag-iisang Da King. 

Read:Coco Martin, labis ang pasasalamat sa ika-1,000 episode ng ‘Ang Probinsyano’