• Home
  • Fresh Scoops
  • King of Talk Boy Abunda pays tribute to Da King: ‘Nagpapasalamat ako sa Da King.’

King of Talk Boy Abunda pays tribute to Da King: ‘Nagpapasalamat ako sa Da King.’

King of Talk Boy Abunda about his unforgettable encounter with Da King FPJ.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/24/2019 12:53 PM
King of Talk Boy Abunda pays tribute to Da King: ‘Nagpapasalamat ako sa Da King.’


Photo credit: @boyabundaofficial on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpasalamat si King of Talk “Tito Boy” Abunda kay King of Philippine Movies Fernando Poe Jr. Ayon kay Boy, 80 years old sana si FPJ last August 20 kung siya ay nabubuhay pa. “Nagpapasalamat ako sa Da King, sa one and only King of Philippine Movies. Sa lahat ng kanyang ginawa sa maraming tao… mga taong (nasa) labas ng industriya at marami sa kanila ay mahihirap. Nakita ko ho yun ng personal,” ani Tito Boy.

Read:Coco Martin, ‘Ang Probinsyano’ co-stars honor late FPJ’s 80th birthday

“For all that he was and for all that he did to this country and to Philippine movies, I say thank you,” pagbibigay diin ng batikang host. 

Inalala din ni Tito Boy ang hindi malilimutang encounter kay Da King sa isang meeting. Ayon kay Boy, sa isang hotel naganap ang meeting at kasama nila ang mga “industry leaders.” 

Noon pa man daw ay “in awe” na si Boy kay Da King. “I was always in awe of FPJ. Alam niyo po yung kakaibang presence ‘pag dumating sa isang lugar, kayo po ay napapatingin at napapatunganga,” kwento ng host. 

Nagulat na lang daw si Boy nang inakbayan siya bigla ni Da King. “Napakatahimik pong tao at inakbayan po niya ako at sinabing kumusta ako. Halos hindi po ako makapagsalita,” pagpapatuloy ng kwento ni Tito Boy. 

Ayon pa kay Tito Boy, “surreal” para sa kanya ang experience na yun. “Surreal. Lalong parang hindi mo mapaniwalaan na ikaw ay katabi ng the King of Philippine Movies who was bigger than life,” dagdag ni Tito Boy. 

Kailan man ay hindi daw makakalimutan ni Tito Boy ang karanasang yun kasama ang nag-iisang Da King. “Alam ko maliit na bagay lang pero it will be forever be etched in my memory. That one time in my life I was with him, in one room, spoke to him and shared a conversation with him,” pagtatapos ng King of Talk. 

Magiging guest din ni Tito Boy si Senator Grace Poe sa The Bottomline with Boy Abunda kung saan magkukwento ang Senadora kung anong klaseng ama ang nag-iisang Fernando Poe Jr.