Jessy Mendiola, binara ang isang netizen sa kanyang post

One netizen told Jessy Mendiola she doesn’t have shows anymore.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/24/2019 5:34 PM
Jessy Mendiola, binara ang isang netizen sa kanyang post


Photo credit: @senorita_jessy IG

Masaya at abala ngayon sa pagiging vlogger at businesswoman si Jessy Mendiola at madalas siyang magbigay update sa Instagram para rin sa  kanyang mga taga-hanga.

Nang mag-post ng litrato ang aktres ay dumagsa ng papuri sa comments section ngunit may isang netizen din ang nag-react na maganda raw sana siya kaso wala na siyang mga shows sa TV.

Napansin naman ito ni Jessy. Sinagot niya ito na bahagi siya ng upcoming Kapamilya teleserye na Sandugo na pinagbibidahan din nina Ejay Falcon, Aljur Abrenica at Elisse Joson.

Ayon pa kay Jessy, sarili niyang ‘choice’ ang pansamantalang pagpapahinga sa pagtanggap ng mga proyekto.

Sa mga nakaraang panayam kay Jessy, hindi nito itinanggi na sa mga nakalipas na taon ay nakaramdam siya ng depression at naapektuhan din sa pangba-bash sa kanya dahil sa kanyang body weight.