• Home
  • Fresh Scoops
  • TIGNAN: Rufa Mae Quinto, ibinida ang kanyang shoe collection

TIGNAN: Rufa Mae Quinto, ibinida ang kanyang shoe collection

Sa Instagram nitong Biyernes,, ipinasilip si Rufa Mae Quinto ang kanyang koleksyon kung saan makikita ang halos isang daang pares ng sapatos.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/23/2019 4:58 PM
TIGNAN: Rufa Mae Quinto, ibinida ang kanyang shoe collection


Photo Credit:@rufamaequinto on IG

Isa sa mga hilig ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang magkolekta ng sapatos.

 

Ang dahilan nito: “Wala akong sapatos [mula noong] bata ako hanggang 15 years old. Laging butas swelas ko dahil walang pamasahe. Walk lang nang walk ako! Butas shoes, nag-kalyo tuloy feet ko.”

Kaya naman nang simulang kumita sa showbiz, sinigurado ni Rufa na bumuo ng kanyang sariling shoe collection. 

Sa Instagram nitong Biyernes, ipinasilip niya ang kanyang koleksyon kung saan makikita ang halos isang daang pares ng sapatos.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Some of my SHOE COLLECTION OR COLLECTIONS? 3 things why I Love shoes 1. I only have 1 shoes - wala akong Sapatos bata ako hanggang 15 years old! going to School laging butas swelas ko- Dahil Wala pamasahe walk Lang ng walk ako ! Butas shoes nag kalyo tuloy feet ko . Ouwwwchy! 2.qulity reliable- matibay mga shoes na may brand kasi nadapa ako sa hagdanan when I had a Show year 2000 ,naputol shoes ko na Gucci Shoes pero buhay pa din s’ya kahit super tagal na 3.reward to myself -nagagamit ko sa work ko as an actresses shoes more than bags kasi pag nag Show laging may shoes na suot So gift ko to myself each project I buy shoes @rufamaecloset @rufamaeclearance

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on

“Matibay mga shoes na may brand kasi nadapa ako sa hagdanan when I had a show year 2000. Naputol shoes ko na Gucci Shoes pero buhay pa din siya kahit super tagal na,” kwento ni Rufa sa caption.

Aniya, sa bawat proyekto na kanyang nagagawa ay bumibili siya ng bagong sapatos bilang regalo sa sarili.

“Nagagamit ko sa work ko as an actresses [ang] shoes more than bags kasi ‘pag nag-show laging may shoes na suot. So gift ko to myself each project I buy shoes.”

Makikita ang kanyang full collection sa vlog na mapapanood soon sa kanyang YouTube channel.