• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya talents na nanalo sa Cinemalaya 2019, malaki ang natutunan mula sa ABS-CBN

Kapamilya talents na nanalo sa Cinemalaya 2019, malaki ang natutunan mula sa ABS-CBN

‘Kailangan maganda ang content more than anything else.’ Isa ito sa mga natutunan ng Kapamilya talents mula sa ABS-CBN.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/23/2019 2:52 PM
Kapamilya talents na nanalo sa Cinemalaya 2019, malaki ang natutunan mula sa ABS-CBN


Sa digital conference na ginanap para sa mga Kapamilya talents na nag-uwi ng awards sa Cinemalaya 2019, proud na nag-share ang ilan sa mga nanalo ng mga natutunan nila mula sa ABS-CBN. Bitbit nila ang mga learnings na ito sa pagkukwento at sa pagbuo ng mga pelikulang napapanahon at makabuluhan. 

READ: WINNERS: Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2019

Ayon kay Mary Rose Colindres, na nag-uwi ng Best in Screenplay award sa pelikulang Iska, ang pagbuo ng character ang pinakaimportanteng baon niya mula sa training niya sa ABS. “Yung character pa rin, yung integrity pa rin ng character. Yun ang nagdi-dictate ng story. Kahit naman kasi sa soap, may mga tropes siya, may mga cliché na plots. Pero training pa rin namin sa ABS yung pagbuo natin ng characters,” ani Mary Rose na head writer sa Ruel Bayani unit ng ABS-CBN. Siya rin ang head writer sa nalalapit na teleseryeng Pamilya Ko. 

READ: Director Ted Boborol on real life Iska’s reaction to the movie: ‘Umiyak siya’

Para naman kay Arden Condez na director ng John Denver Trending na nag-uwi ng anim na awards sa Cinemalaya 2019 kasama na ang Best Film, naturuan siya ng ABS-CBN na maging mas “critical” sa gawa niya. “(Typical sa isang) artist yung lack of self awareness… ABS-CBN trained us yung maging critical ka sa sarili mong gawa. Part siya ng job, yung feedback. Pagdating namin ng Cinemalaya, kami yung pinakaunang critical sa trabaho namin,” ani Arden na dating head writer para sa RCD Narratives ng Kapamilya Network. Isa rin siya sa mga bumuo at nagsulat ng hit Kapamilya seryeng The Killer Bride. 

Nagamit din daw nila ang natutunan sa pagbuo ng John Denver Trending. “Dahil dun, naayos early pa lang yung mga kailangan ayusin,” ani Arden. 

Para naman kay Sonny Calvento, malaki ang naitulong ng ABS sa kanya pagdating sa pagawa ng “good content.” Si Sonny ang producer ng John Denver Trending at direktor din siya ng 2017 Cinemalaya entry at critically-acclaimed film na The Decaying o Nabubulok.  “Yung importance ng good content… ‘Pag sa ABS, talagang mga script ilang feedback meetings talaga ang dinadaanan,” aniya. 

“’Pag may ilalabas ka kailangan maganda yung content mo … pinaka-learning namin kailangan maganda ang content more than anything else,” ayon kay Sonny na isa rin sa bumuo at nagsulat ng The Killer Bride.