• Home
  • Fresh Scoops
  • JB Saliba, hiling ang suporta ng kababayan sa nalalapit na laban sa Mr. World 2019

JB Saliba, hiling ang suporta ng kababayan sa nalalapit na laban sa Mr. World 2019

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang Mr. World pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

8/23/2019 12:46 PM
JB Saliba, hiling ang suporta ng kababayan sa nalalapit na laban sa Mr. World 2019


Photo credit: @jbsaliba IG

Puspususan na ngayon ang paghahanda ng pambato ng Pilipinas sa Mr. World pageant na si Jody Baines "JB" Saliba.

Isang modelo at advocate ng sports education ang 26 anyos na Pinoy candidate na tubong Olongapo.

 

 

Aniya, naniniwala siya na masusungkit ng Pilipinas ang titulo bilang unang Pinoy na Mr. World sa tulong ng dasal at buong suporta ng kanyang mga kababayan.

“Wala namang pressure doon kasi I know the Filipino community is right behind my back para tulungan ako dito sa journey ko sa Mr. World,” sabi pa ni JB sa panayam.

Bukod sa inaasam na tagumpay, nakikita rin ng Mr. World Ph na magandang pagkakataon ito sa Pilipino na magkaroon ng panibagong pagtingin sa mga male pageant.

“We all know that here in the Philippines, ang male pageants ay tinitingnan nila in a different way. So I’m glad na Mr. World is andito sa atin ngayon so Filipinos can see na there's actually prestige in male pageants,” paliwanag niya.

Nais din na maging halimbawa ni JB sa mga kalalakihan na naghahangad na sumabak sa male pageant ngunit nahihiya dahil sa mga stereotype ng ibang Pilipino.

Isa si JB sa 72 kalalakihan na maglalaban-laban para sa ipapasang titulo ng Mr. World ni Rohit Khandelwal ng India.

Sa ngayon, isa si JB sa maugong na pangalan na posibleng hirangin bilang unang Mr. World ng Pilipinas na mapapanood ngayong Agosto 23 sa Smart-Araneta Coliseum.