Is RK Bagatsing falling for Shaina Magdayao?

‘Ang bait naman kasi ni Shaina. Sobrang warm na tao and palatawa.’ This is what RK Bagatsing says about Shaina Magdayao.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

8/23/2019 1:37 PM
Is RK Bagatsing falling for Shaina Magdayao?


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Nang Ngumiti Ang Langit star RK Bagatsing na minsan pinag-iisipan na niya kung panahon na ba para maging isang ama siya. Tatay kasi ang role ni RK sa NNAL. “Always… mahilig kasi ako sa kids e. ‘Pag nasa set kami naghahabulan kami. And whenever I see them, they hug me. And ‘pag pagod na, I just hug them out of nowhere,” pag-amin ni RK.

Nang tanungin naman kung sino ang ka-cuddle niya these days, sinabi ni RK na busy siya ngayon. “Sobrang busy ko ngayon e. Siguro mga apat yung unan ko sa kama e,” sagot ni RK na bida rin sa pelikulang Cuddle Weather kasama si Sue Ramirez.

LOOK: Sue Ramirez starts shooting her new movie ‘Cuddle Weather’

May sagot din siya sa tanong kung bakit hanggang ngayon ay nali-link sila ni Jane Oineza at patuloy ang pag-ship sa kanila ng RKane fans. “Nung nag-partner kami sa Araw-Gabi, we all know na ang daming supporters ni Jane. I was her first onscreen partner na na-kiss niya, tama ba? So parang kinikilig yung fans niya,” paliwanag ni RK.

Hanggang ngayon daw ay patuloy ang suporta sa kanila ng RKane fans, ani RK.

Aminado naman ang aktor na napapalapit siya ngayon kay NNAL co-star Shaina Magadayao. “Ang bait naman kasi ni Shaina. Sobrang warm na tao and palatawa and ako pala-joke kasi ako sa set e. So parang pag may mga tumatawa sa jokes ko, e masaya ako sa ganun,” ani RK.

Ibig ba sabihin nito ay napu-fall na si RK kay Shaina? “Oh! I think Michael Villaluna is falling for Nurse Grace, character ni Shaina. I think that’s something that you have to look forward to,” sabi ni RK na tinutukoy ang karakter niyang si Michael Villaluna.

WATCH: Push Evolution: RK Bagatsing