• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kyle Echarri, aminadong kinikilig sa mga eksena nila ni Francine Diaz

EXCLUSIVE: Kyle Echarri, aminadong kinikilig sa mga eksena nila ni Francine Diaz

Aminado si Kyle Echarri na minsan ay kinikilig at nadadala siya sa mga eksena nila ng ka-love team na si Francine Diaz.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/23/2019 12:22 PM
EXCLUSIVE: Kyle Echarri, aminadong kinikilig sa mga eksena nila ni Francine Diaz


Photo credit: @kyleecharri IG

Kinikilig at nadadala na raw sa mga eksena ang Kadenang Ginto young actor na si Kyle Echarri sa kaniyang ka-love team na si Francine Diaz. Sa interview ng PUSH kay Kyle kasama ang kaniyang kapwa Star Magic Circle 2019 artist, sinabi nitong kahit na magkaibigan sila ni Francine ay hindi nila napipigilang hindi kiligin sa mga eksena. 

"Me and Francine kasi kami na yung love team sa Kadenang Ginto. There are times na nahihirapan kaming kiligin kasi ang tawag namin minsan sa isa't-isa 'Pre'. 

"Pero siyempre may mga times sa eksena na hindi mo talaga maiiwasang ma-kilig. Medyo kinikilig kami sa isa't-isa kahit na alam naming eksena lang," kuwento ni Kyle.

 

 

Si Kyle at Francine ay parehong miyembro din ng The Gold Squad, kasama sina ang magka-love team ding sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes. "It's so much fun working with people you can call family," pahayag ni Kyle para sa mga kasama niya sa The Gold Squad. 

READ: Kyle Echarri inamin ang feelings para kay Francine Diaz

READ ALSO: Francine Diaz, sinorpresa si Kyle Echarri kasama ang kanilang fans sa kanyang kaarawan

Unang nakilala si Kyle sa pagsali reality singing competition na The Voice Kids noong 2015. Sa parehong taon din ay gumanap siya bilang supporting character sa teleseryeng On The Wings of Love. Nasundan pa ito ng kaniyang kauna-unahang pelikula niya sa Seven Sundays noong 2017, kung saan ay gumanap siya bilang anak ni Aga Muhlach. 

Nang tinanong si Kyle kung may plano siyang ipagpatuloy ang career sa pagkanta, "Sa ngayon medyo nagfofocus na ako sa acting. Since doon din ako nadadala ngayon. Pero I'm happy na makasama ako sa Kadenang Ginto kasi hindi ko po akalain na magiging ganito kalaki yung Kadenang Ginto." 

Panoorin ang buong interview dito:

Mapapanood si Kyle sa Kadenang Ginto araw-araw sa Kapamilya Gold. Samantala mapapanood din ang mga vlog ng The Gold Squad sa kanilang official YouTube channel.