• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jason Paul Laxamana, naka-move on na sa hindi pagkasali ng ‘Just A Stranger’ sa PPP

EXCLUSIVE: Jason Paul Laxamana, naka-move on na sa hindi pagkasali ng ‘Just A Stranger’ sa PPP

Hindi na nagpapa-apekto si Director Jason Paul Laxamana sa mga negatibong komento sa kanyang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/23/2019 11:25 AM
EXCLUSIVE: Jason Paul Laxamana, naka-move on na sa hindi pagkasali ng ‘Just A Stranger’ sa PPP


Naka-move on na si Direk Jason Paul Laxamana sa hindi pagkakasama ng kanyang pelikulang Just A Stranger na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Marco Gumabao sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino sa September.

“We just found out na hindi kami kasama, and of course we’re dismayed kasi we’re hoping to share this with PPP audience, pero siguro they are looking for other kinds of materials, meron siguro silang ibang hanap na hindi nila nakita sa amin.

“Pero kami, we stand by the statement na sa tingin namin maganda yung gawa namin. And since sila naman ang may rules no’n, or sila ang magse-set kung sino ang papasok or hindi, okey naman kami, showing naman na kami ngayon,” reaksyon ni Direk Jason sa exclusive na interbyu ng PUSH sa kanya.

Ipinarating namin sa kanya na may nasagap kaming komento na hindi maganda ang review sa kanyang May-December love affair film na prinodyus ng Viva kaya hindi ito napili.

Aniya na nagkikibit-balikat lang, “Kanya-kanyang pananaw. Kung sino man siya, baka iba lang yung pananaw niya at okey lang yon. Iba siguro yung hinahanap niya. Pero sabi ko nga, kami, we stand by the belief na maganda yung ginawa namin.

“Hopefully, mag-manifest yung ganda na yon sa taong manonood ngayon sa mga sinehan.”

Hindi na rin apektado si Direk Jason kung meron mang nagki-criticize at negatibo ang rebyu sa kanyang mga obra tulad ng latest film niyang Just A Stranger.

“Before, talagang ano, it really angers me,” pag-amin niya.

Patuloy ng direketor, “Kasi, nando’n ako sa point na parang ang daming mga taong nagpagod for this, tapos once pinalabas, idi-dismiss lang, so parang hindi lang ako nasa-sad for myself and also for my team. So, kaya may tendency ako noon na sumagot.

“Eh, ngayon, nasa stage na ako na, ayun nga, siguro mas napag-isip-isip ko na, na you can’t please everybody. Pag may nagsabing pangit, eh, di pangit.

“Ang sa akin ngayon, if I believe honestly na nagawa ko nang tama yung trabaho ko, okey na ako do’n.”

Maging ang kikitain ng pelikulang kanyang ginawa o ang tinatawag na box-office results ay hindi na rin daw niya pinoproblema ngayon dahil aniya, hindi naman niya ito kontrolado in the first place.

Esplika ni Direk Jason, “It doesn’t bother me anymore, kasi, in the first place, hindi mo talaga makokontrol. No. 1, mahirap nang sabihin ngayon kung ano talaga yung gusto ng tao – with Netflix and all.

“Kahit na super i-follow mo ang certain formula ng isang blockbuster (film), there will be factors na makaka-affect sa output. Like for example, playdate, kasabay na pelikula or naging sapat ba yung time na i-promote yung pelikula, mga ganun.

“So, dahil wala akong control don, I think mas emotionally healthy na i-let go mo. Hayaan mo na lang sa universe na kung ano yung mangyayari, mangyayari. Basta ginawa ko yung best ko, nasabi ko yung gusto kong sabihin sa pelikula, okey na ako do’n.”

Samantala, nagbigay ng konting kuwento sa amin si Direk Jason kung paano katrabaho sina Marco at Anne.

“Kay Marco, before kami mag-shoot, sinabi ko na kung ano yung mga kailangang gawin. And kung ano naman ang nasa script, yon ang gagawin talaga namin. Makikita mo sa script na naka-brief lang siya, yon ang gagawin namin.

“Si Anne naman, mas ano lang, may mga times na siyempre, kapag tumatanda yung tao, mas bumabagal yung metabolism, pero pinaghandaan niya physically yung role niya. Siyempre, she wants to look her best sa screen, pero wala naman siyang qualms about na parang sinasabi niya na, ‘Ayaw kong gawin ito!’ Wala siyang ganun.

“Kumbaga, gagawin ko yan, pero bigyan n’yo lang ako ng time na mag-prepare, ganun siya. Pero wala yung, ‘Tanggalin natin yan kasi hindi ko prepared.’ Walang ganun,” kuwento niya.

Showing na ang Just A Stranger in 200 cinemas nationwide.