Carmi Martin umaming may naging boyfriend na bading

Mayroon ding manliligaw si Carmi Martin na naging bading.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/23/2019 11:52 AM
Carmi Martin umaming may naging boyfriend na bading


Hindi nahiyang aminin ng sexy comedy actress na si Carmi Martin na nagkaroon na siya noon ng karelasyong bading o member ng LGBTQ. Pero habang mag-on silang dalawa ay hindi raw niya na-detect na member pala ng third sex ang kanyang dyowa.

“Ay naku, maganda yung kuwento ko diyan. Nagka-boyfriend ako at ngayon friends kami, at may boyfriend na siya,” pagtatapat ng isa sa cast ng pelikulang The Panti Sisters na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino come September.

Ang The Panti Sisters ay pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables mula sa direksyon ni Jun Lana.

Patuloy niya, “Minsan nga, nag-a-out of town pa kaming magkasama. Ang parang naging joke nga, naging bading siya dahil hindi na raw kami.

“Pero siyempre nung kami pa, hindi ko naaamoy na ganun nga siya. Mga 8 months din naging kami. At ang kagandahan, talagang girl na girl na siya, ako nga walang boyfriend pero siya meron. Ngayon ang tawagan na namin, siya si tatay ako si nanay at yung boyfriend niya, anak.”

Eh, paano ba niya nalaman na bading pala ang nakarelasyon niya?

“Nung naghiwalay na kami, few years after, lumabas na siya, nag-out na siya,” sagot niya.

Bukod sa naunang ikinuwento ni Carmi, meron pa raw siyang isang manliligaw na bading din.

“Actually, nagkaroon pa ako ng isang manliligaw, taga-Sta. Ana pa ako noon, and then, nabasted. Mamaya nung may Santacruzan, nakita ko naka-ano na. Di ba, may Santacruzan ang mga gays, sabi ko, ‘Parang si ano yon.’ Ayun, nakapang-muher (damit babae) na siya.

“Kaya nagkaroon talaga ako ng experiences sa kanila. O, di ba, plural yan, na talagang may nanligaw sa akin at yung isa naging boyfriend ko pa,” natatawa niyang kuwento.

Kung sakaling open siya sa pagkakaroon ng asawa, handa ba siyang magkaroon ng gay partner in life tulad ng sitwasyon ni Ogie Diaz at ng misis nito kung saan nagkaroon pa sila ng apat na anak?

“Ako kasi… hindi ako… I’m a Christian, pero hindi ako mapanghusga. Parang minsan nga, sinasabi ko, siguro ang saya no’n, yung pareho lang kayong bakla sa bahay, yung ganun, may anak. Kaya lang, ang pinili ko talaga ngayon is not to get married and to stay single.

“And for me, enjoy lang ako na kausap yung naging mujer na aking ex na super friend-friend ko ngayon,” nakakaaliw pang kuwento ni Carmi na gumaganap bilang si Nora, ina ng isa sa The Panti Sisters.