• Home
  • Fresh Scoops
  • Wacky Kiray, ibinida ang kaniyang walk-in closet sa bagong bahay

Wacky Kiray, ibinida ang kaniyang walk-in closet sa bagong bahay

Tinupad ng komedyanteng si Wacky Kiray ang pangako niya sa mga momshie-hosts na dadalhin niya sila sa kaniyang bagong bahay kapag natapos na ang pagpapagawa nito.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

8/22/2019 7:19 PM
Wacky Kiray, ibinida ang kaniyang walk-in closet sa bagong bahay


Ibinida ng “Sing-vestigator” na si Wacky Kiray ang kaniyang bagong gawang bahay na may apat na palapag sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes. Kuwento ng komedyante, pagtupad ito ng kaniyang pangako sa mga momshie-hosts na sila ang una niyang dadalhin kapag natapos na ang pagpapagawa nito. 

Matapos ang walong buwan na pagpapagawa, natapos at ngayon ay nakatira na sa kaniyang dream house si Wacky. Dito ay kasama ng komedyante ang kaniyang partner at ang kinupkop na pamangkin na si Joyjoy. 

Nilibot ni Wacky at ng mga momshie-hosts ang bawat palapag ng bahay kung saan ay proud na ibinida ni Wacky ang walk-in closet at mga veranda o terraces sa bawat palapag. 

“Naiinggit ako sa mga kababata ko, mga kalaro ko kasi ang gaganda ng mga bahay nila. Naging motivation ko sabi ko sa sarili ko, 'Soon magkakaroon ako ng ganyan. Pero iniisip ko, kailan? Paano ko ba sisimulan?' Siguro gagalingan ko na lang sa mga ginagawa ko sa buhay,” kuwento ni Wacky. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

nang manalo ako sa I Can Do That last June 2017, ipinangako ko na ilalaan ko ang perang napanalunan para makabili ng bahay. at dahil sa lahat ng programang aking kinabilangan sa @abscbn , sa mga producers at bookers na patuloy na naniniwala sa aking kakayahan at sa mga papyesta ni mayor, sa wakas naisakatuparan ko na rin sya. 🙏🙏🙏 syempre, special shout out kay meme @praybeytbenjamin na nagbukas ng maraming pintuan para sa akin. kay kuya @luckymanzano sa todo support para mailabas ang aking kalokohan sa pagpapatawa na naging daan sa pinaka una kong show na #ICanDoThat bukod pa sa regalo nyang bagong ref! 😁 at ang center table ko courtesy of Direk Bobot @direkbobot Mortiz. ❤️❤️❤️ maidagdag ko lang... bata pa lang ako pangarap ko talaga ang bahay na may terrace, kaya kahit 50sqm lang ang lupa ng bahay, ginawan ako ng aking architect ng balcony sa lahat ng floor at rooftop. 😁 salamat Arch. Enrico Monzon of Monzon Builders at kay Boom Guiyab of Wood Works PH na gumawa ng aking furniture. 😘 #home

A post shared by Wacky Kiray (@wackykiray) on

 

Malaki ang pasasalamat ni Wacky sa mga kaibigan, at lalo na sa ABS-CBN sa patuloy na pagtanggap sa kaniya, dahilan na rin kaya nakapag-ipon at nakapagpagawa ng bahay. 

“Nung paglipat ko dito, tapos nung nagda-drive ako bigla akong napaiyak. Sabi ko, sobrang mahal pala ako ni God. Hindi ako pinabayaan. Sobrang blessed ko,” pagpapatuloy ni Wacky. 

Panoorin ang ilang clips sa loob ng bahay ni Wacky dito:

Samantala, ikinuwento rin ni Wacky ang isang bahay na binili niya para sa mga magulang na nasa Las Piñas ngayon. 

Mapapanood si Wacky sa I Can See Your Voice tuwing Sabado.