Vice Ganda, handang magpasampal kay Daniela Mondragon?

Kadenang Ginto star Dimples Romana talks about Vice Ganda’s possible appearance on ‘Kadenang Ginto.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/22/2019 9:05 AM
Vice Ganda, handang magpasampal kay Daniela Mondragon?


Sa mas lalong umiinit na mga eksena sa Kadenang Ginto ay mas marami pang pasabog na inihayag si Dimples Romana na gumaganap bilang si Daniela Mondragon.

Ginulat ng teleserye ang mga manonood nang magkaroon ng cameo appearance ang mga bigating Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Bea Alonzo nitong nakaraang mga linggo. Nang tanungin kung sino pa kaya ang posibleng mag-crossover sa kanilang programa, nabanggit ng aktres ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

WATCH: Angel Locsin’s cameo in ‘Kadenang Ginto’

“Sabi ni Vice, baka daw pumunta daw siya. Magpapasampal daw siya kay Daniela kasi magpo-promote kami ng movie namin for MMFF," kwento ni Dimples sa ABS-CBN News.

Isa pa sa inaabangang magkaroon ng cameo appearance sa Kadenang Ginto ay si Coco Martin na gumaganao bilang Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

TIGNAN: Dimples Romana and Coco Martin excite fans with possible crossover

Kamakailan ay nagkasama ang aktor at si Dimples kaya’t nagkaroon ng mga haka-hakang mag-gi-guest din si ‘Cardo’ sa hit afternoon soap.