Tony Labrusca, mataba pa din ang tingin sa sarili

Kasama si Tony Labrusca sa MMFF movie ni Vice Ganda.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/22/2019 12:44 PM
Tony Labrusca, mataba pa din ang tingin sa sarili


Photo Credit: @tony.labrusca on IG

Excited na na ikinuwento ni Tony Labrusca sa latest interview sa showbiz media ang kanyang magiging papel sa pelikula kasama si Vice Ganda na bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival .

Malaking parte nito ang pagiging sikat ni Tony bilang sexy actor na hindi malaking bagay sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

wavy 〰️ #shotbymik @shotbymik

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Cebu <3

A post shared by Tony Labrusca (@tony.labrusca) on

 

“Ako po kasi hindi ganun ang tingin ko sa sarili ko. I don’t know what people’s reaction will be pero it’s an honor. At the end of the day, I’m still very fat, that’s not how I view myself,” sabi pa ni Tony.

Nabiro pa si Tony kung magkakaroon ba sila ng sexy pero comedy eksena ni Vice Ganda na dapat abangan.

“If theres a sensitive scene that I’m going to be uncomfortable with, pag-uusapan muna namin yun and si mama Vice isa sa mababait at open minded na tao sa showbiz,” kuwento pa niya.


Malaki din ang tiwala ni Tony kay Vice at alam niya na makakatulong sa pelikula ang lahat ng eksenang gagawin para sa MMFF movie nila.

“Hindi ko pa po nababasa ang script para sabihin na oo kailangan na may kissing scene kami ni Vice... ready ako na makipag lambingan kay mama Vice ako excited ako” pahayag ng aktor.

Bukod sa MMFF movie, bahagi din si Tony ng pelikula kasama si Lovi Poe at Marco Gumabao na handog ng VIVA Films.