• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros, nag-react sa isyung pinagbawalan gumamit ng ladies room ang isang transwoman sa isang mall

Paolo Ballesteros, nag-react sa isyung pinagbawalan gumamit ng ladies room ang isang transwoman sa isang mall

Paolo Ballesteros: ‘Kailangan lang siguro magpakatao tayong lahat.’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/22/2019 12:33 PM
Paolo Ballesteros, nag-react sa isyung pinagbawalan gumamit ng ladies room ang isang transwoman sa isang mall


Photo Credit: @pochoy_29

Sa media conference na ginanap para sa pelikulang The Panti Sisters ay nagbigay ng reaksyon ang isa sa bida ng pelikulang si Paolo Ballesteros tungkol sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon about a transgender woman na gustong gumamit ng ladies rest room sa isang mall sa Quezon City.

“Kailangan lang siguro magpakatao tayong lahat. Hindi naman masama ‘yung pagbigyan mo siya. Hindi naman nakakababa ng pagkatao ‘yun, di ba?” giit ni Paolo at reaksyon sa nangyari.

Dugtong pa niya, “Eh, kung gusto niya dito umihi, pipigilan mo ba ‘yun? Hindi naman siya nakapatay. Bakit mo siya ipoposas? Masama bang umihi?”

Para sa bida ng The Panti Sisters, as long as wala naman taong nasasaktan at tinatapakan ay wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng trans woman named Gretchen Diez.

“I think it boils down to the person, ’yung kung ano ‘yung iniisip mo. Kailangan may firm grasp ka ng kung ano ‘yung tama at mali.

“Kung umihi sa CR ng babae, eh, ano naman, di ba? Kung ikaw sa sarili mo, hindi ka naman niya tinapakan noong umiihi siya doon o hindi ka naman niya inihian sa mukha, may masama ba?

“Kasi kung inihian ka sa mukha o tinapakan ka habang umiihi siya, do’n ka mag-react, don ka magalit. Eh, wala naman ganun, di ba?” pagdidiin pa ng aktor.

Samantala, kasamang bida ni Paolo sa The Panti Sisters sina Christian Bables at Martin del Rosario. The film is directed by Jun Lana and produced by IdeaFirst, Quantum Films and Blacksheep.

Ipapalabas ang The Panti Sisters sa September bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino para sa kanilang ikatlong taon ng festival.