• Home
  • Fresh Scoops
  • Khalil Ramos clarifies his film ‘The Ghosting’ is not inspired by ‘the ghosting’ that happened in showbiz

Khalil Ramos clarifies his film ‘The Ghosting’ is not inspired by ‘the ghosting’ that happened in showbiz

Khalil Ramos, ipinaliwanag kung saan nanggaling ang title ng kanilang pelikulang ‘The Ghosting’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/22/2019 11:55 AM
Khalil Ramos clarifies his film ‘The Ghosting’ is not inspired by ‘the ghosting’ that happened in showbiz


Photo Credit: @khalilramos on IG

Nilinaw ni Khalil Ramos ang latest movie nila ni Andrea Brillantes na The Ghosting ay hindi inspired sa term na “ghosting” na naging trending sa social media dahil sa isyung kinasangkutan nina Julia Barretto, Gerald Anderson, at Bea Alonzo.

“Actually, yung title ng movie namin is along the lines of classic horror movies like Shining, The Conjuring, at maraming mga horror movies like that. And the title was conceptualized way before the issue came out. So, it has no relation to whatever controversy out there. And mas maiintindihan nila when they watch the film,” paglilinaw ng aktor.

Ayon pa kay Khalil, ang The Ghosting na idinirek ni Joey de Guzman ay isang straight horror film at aniya, wala raw silang romantic angle dito ni Andrea.

“Straight horror talaga ang movie, walang any romance. Nagtulungan kami sa pananakot,” sambit pa niya.

Pero alam naman daw niya ang kahulugan ng ghosting.

“I’m familiar with the term because of Twitter way back pa. That’s why nagka-dual understanding na siya sa akin, na may ganun palang meaning yung salitang yon,” reaksyon ni Khalil.

Hindi na rin naitanggi ni Khalil na minsan ay nagawa na rin niyang mang-ghosting.

“Way back before the term was invented, honestly, ako nagawa ko na ’yon. Because of immaturity, I guess, when I was young. Meron kang girl na gusto mo, kakausapin mo, pero, eventually, totorpehin ka tapos ’di mo na kakausapin,” pag-amin ni Khalil.

Pero dahil bata pa nga raw siya noon, malaki na raw ang pinagbago ng kanyang pananaw ngayon lalo pa nga’t karelasyon niya ngayon ang aktres na si Gabbi Garcia.

“I think it’s very rude for one to do that. I’m all for communication. Kami nga ni Gab, lagi nga namin pinag-uusapan na ang gusto namin sa relationship namin, dapat it’s really built on a foundation where communication is valued.”

Sabi raw niya kay Gabbi, “If may nararamdaman ka, just tell it to me straightforward. Be objective with whatever that is so we could find solutions.”

Naniniwala ba siya sa mga ghosts? “Ako kasi, to see is to believe. Pero hindi pa ako nakakakita, pero ilang beses na akong nakaramdam,” lahad niya.

“Ang pinakamalalang na-experience ko was in the middle of the night, sa luma pa naming bahay, may naramdaman akong nagwawalis sa labas pero 3 a.m. pa lang tapos biglang super lakas ng hangin at humampas yung bintana ng kuwarto ko. Nagtago ako sa ilalim ng kumot, tapos tinawagan ko yung mommy ko kasi sobrang takot na takot ako,” kuwento pa niya.